PBA

Blackwater magtatangka sa win no. 4

Robert Andaya Mar 13, 2024
110 Views
Games Wednesday: (Philsports Arena)
4:30 p.m.– Blackwater vs. NLEX
 7:30  p.m. —  Terrafirma vs. Phoenix
MULING masusubok ang tibay at galing ng  Blackwater Elite sa gagawing  pakikipagtuos sa kapwa tigasing NLEX sa tampok na laro sa PBA Philippine Cup sa  PhilSports Arena sa Pasig.
Nakatuon ang pansin ng Bossing sa ika-apat na sunod na panalo, bagamat inaasahan magiging kapanapanabik ang enkuwentro, na nakatakda simula 4:30 p.m.
Kung papalarin, tatabla ang Blackwater ni Dioceldo Sy sa naunang franchise best start na 4-0 nung 2018 Governors Cup hsbang mapipigil din ang   two-game winning streak ng Road Warriors.
“So far, it’s a good start. But we’re staying humble, we;re staying focused because we know how quick things can turn. So we’ll just gonna continue working hard,” pahayag ni  Blackwater coach Jeffrey Cariaso patungkol sa strong start ng kanyang team.
Tinukoy ni Cariaso, na tinaguriang  “Jet” nung naglalaro pa siya para sa PBA champion Alaska Milk, ang kanilang depensa bilang  malaking bahagi ng kanilang magandang simula.
Winalis ng  Bossing ang mfa  traditional powerhouses na  Meralco, 96-93, nung  Feb. 28; TNT, 87-76, n7ng March 2; at Converge, 90-78, nung March 6.
“We put our premium and our focus on how we like to defend and we’re not perfect. There’s a lot to improve on, especially… when we make subs. We want to maintain that same intensity and focus,” dagdag pa ni Cariaso, na naging Blackwater coach last conference lamang Gayunman, hindi din pahuhuli ang opensa ng Blackwater
Sa  7:30 p.m. mainer, magsasagupa ang  Terrafirma at  Phoenix Super LPG.
Nagwagi na ang  Johnedel Cardel-mentored Dyip  sa una nitong dalawang laro laban sa Converge, 107-99. at NLEX, 99-95, bago naung7san naman ng TNT, 100-97.