blazers Naging mabunyi si Will Gozum at ang Benilde matapos makuha ang twice-to-beat Final Four incentive sa NCAA men’s basketball tournament. NCAA-GMA photo

Blazers umulit sa Lions sa NCAA

Theodore Jurado Nov 26, 2022
268 Views

GUMAMIT ng College of Saint Benilde ng malakas na second half upang makaulit sa San Beda, 82-73, at makopo ang twice-to-beat Final Four incentive sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Nagbuhos si Will Gozum ng 12 sa kanyang 15 points sa second half, kung saan na-outscore ng Blazers ang Red Lions, 40-22, sa huling dalawang quarters upang tuldukan ang kanilang pinakamagandang elimination round outing sa dalawang dekada na may 14-4 record.

Tanging ang final ranking ang hinihintay sa Benilde, kung saan haharapin ng defending champion Letran (13-4) ang also-ran Jose Rizal University sa huling araw ng eliminations sa alas-3 ng hapon. Makukuha ng Knights, na nasambot rin ang Final Four bonus sa panalo ng Blazers, ang No. 1 ranking kung mananaig sila sa Bombers.

“It’s a great feeling,” sabi ni Benilde coach Charles Tiu. “Obviously, the semis is nothing else, it’s back to zero. But at least, we have an extra game for us. Lyceum, San Beda, they are both really good teams. That’s why the extra game is such a huge bonus for us.”

“This is a big game. The guys showed composure, they really found a way to lock down and defend. They showed their character. That’s what we are looking for my players. They start to improve and grow up,” aniya.

Nakumpleto ng Blazers, na sasalang sa Final Four sa unang pagkakataon magmula pa noong 2002, ang head-to-head elims round sweep laban sa Red Lions, na nakatabla ang Pirates sa 12-6.

Subalit bumagsak sa No. 4 ang San Beda pagkat nawalis sila bg LPU sa eliminations at posibleng makabangga nila ang Letran sa Final Four. Nagkasya ang Pirates sa No. 3 ranking.

Nagposte si Mark Sangco ng double-double outing ng 19 points, 12 rebounds at dalawang steals upang pamunuan ang Benilde. Nag-ambag si Miggy Corteza ng 15 points at apat na boards, habang kumuha si Gozum ng 10 rebounds at gumawa ng dalawang blocks.

Sa unang laro, namayani ang Emilio Aguinaldo College kontra sa Arellano University sa overtime, 63-62. (Theodore P. Jurado)

Iskor:

Unang laro

EAC (63) — Maguliano 18, Cosejo 14, Balowa 12, Bajon 12, Tolentino 3, Dominguez 2, Bacud 1, Luciano 1, Cosa 0, An. Doria 0, Umpad 0, Quinal 0, Angeles 0.

Arellano (62) — Doromal 25, Flores 12, Talampas 12, Tolentino 5, Oliva 4, Mantua 2, Mallari 2, Oftana 0, Sunga 0, Abastillas 0.

Quarterscores: 13-15, 20-27, 35-41, 54-54, 63-62

Ikalawang laro

Benilde (82) — Sangco 19, Gozum 15, Corteza 15, Pasturan 13, Oczon 9, Carlos 5, Cullar 2, Nayve 2, Lepalam 2, Marcos 0, Davis 0.

San Beda (73) — Bahio 18, Kwekuteye 18, Cometa 12, Andrada 6, Cortez 6, Ynot 4, Alfaro 4, Cuntapay 3, Sanchez 2, Visser 0.

Quarterscores: 26-26, 42-51, 63-60, 82-73