Barbers Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers

Bloodless anti-drug campaign ni PBBM mas epektibo kaysa sa madugong Duterte drug war

133 Views

BATAY sa mga resulta, mas epektibo umano ang anti-illegal drug campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kumpara sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, over-all chairman ng Quad committee ng Kamara de Representantes, mula 2022 hanggang 2024 ay nakakumpiska na ang administrasyong Marcos ng P49.82 bilyong halaga ng iligal na droga at nagresulta sa hindi bababa sa 800 drug related deaths, kumpara sa war on drugs na ipinatupad ni Duterte mula 2016 hanggang 2018 kung kailan nakasamsam ng P25.19 bilyong halaga ng droga at nagresulta sa pagkamatay sa 20,000 katao na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ni Barbers na ang mga datos ay nakuha mula sa mga opisyal na ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno na isinumite sa Quad panel.

“Those statistics clearly refutes the claim by some quarters that the previous bloody drug war was a more effective approach or strategy than the bloodless anti-drug campaign. While both administrations aimed to reduce drug-related crimes, their methods and resulting outcomes reflect significant strategic and operational differences,” ayon pa sa mambabatas mula sa Mindanao.

Sa unang dalawang taon ng administrasyon ni Duterte, anti-drug law enforcement agents ay nakasamsam ng 3,294.44 kilo ng shabu (methamphetamine) at iba pang mga droga na nagkakahalaga ng P25.19 bilyon, na nagpapakita ng large-scale crackdown sa ilegal na droga, lalo na ang shabu, na nanatiling isang malaking problema sa bansa sa kasalukuyan.

Gayunpaman, sa unang dalawang taon ng administrasyon ni Marcos Jr., nakasamsam ang PNP, PDEA, NBI, at iba pang mga kaukulang ahensya ng may 12,183.65 kilo ng ilegal na droga, kabilang na ang 6,481.16 kilo ng shabu, 75.69 kilo ng cocaine, 115,081 piraso ng ecstasy pills, at 5,626 kilo ng marijuana, na may kabuuang halaga ng P49.82 bilyon.

“The recent drug seizures were almost double the value of drugs seized during the previous administration’s first two years in office, indicating that the larger volume and variety of drugs seized under the current dispensation was due to enhanced intelligence and operational precision, focusing more on major drug trafficking networks rather than street-level dealers,” saad ni Barbers.

Ayon sa official reports, ang drug war ng nakaraang administrasyon ay nagresulta sa pagkamatay ng 4,540 na napatay sa police operation ng PNP, habang 16,355 na personalidad na sangkot sa droga ang napatay ng mga hindi kilalang salarin, na sinasabing “riding in tandem”.

Noong 2018, dahil sa mga reklamo mula sa human rights groups at mga pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings (EJKs) at sa mga akusasyon ng hindi pagkilos ng pulisya sa mga kasong ito, ang PNP na pinangunahan noon ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ay itinuring ang lahat ng mga pagpatay na may kaugnayan sa droga, na umabot sa 23,327 pagkamatay, bilang mga kasong “homicide under investigation” (HCIUs).

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ayon sa mga datos mula kay dating PNP Chief Benjamin Acorda Jr. at sa Dahas Project ng UP Third World Studies, nakapagtala ng 73 na pagkamatay mula sa mga lehitimong operasyon at 822 na pagpatay na may kaugnayan sa droga, na mas mababa kumpara sa mahigit 20,000 na pagkamatay noong unang dalawang taon ng administrasyong Duterte.

“The lower number of casualties suggests a shift toward more targeted, less lethal anti-drug law enforcement. This shift – from bloody to bloodless drug war – reflects the current administration’s potential emphasis on minimizing violence while still vigorously pursuing drug-related crimes,” ayon pa kay Barbers.

Sa unang dalawang taon ng panunungkulan ni Duterte, umabot sa 164,265 na mga personalidad ang naaresto dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga, kabilang ang mahigit 6,000 na high-value targets (HVTs), na nagpapakita ng lawak ng mga operasyon ng pulisya laban sa droga, na tumutok hindi lamang sa mga droga sa kalye kundi pati na rin sa mga high-ranking drug individuals mula sa iba’t ibang drug network.

Sa unang dalawang taon ng kasalukuyang administrasyon, nakapag-aresto ang mga awtoridad ng 122,309 na tao, kabilang ang 7,364 na high-value targets (HVTs), na nagpapakita ng pagtuon sa mga high-ranking drug syndicate at layuning durugin ang mga network ng droga na pinapatakbo ng mga drug lord.

Tungkol sa pahayag ni Duterte na tumaas ang mga krimen sa ilalim ng administrasyong Marcos, itinanggi ito ng Malacañang at ng PNP, at sinabi nilang nakapagtala lamang ang pulisya ng 83,059 na index crimes mula Hulyo 1, 2022 hanggang Hulyo 28, 2024 – na nagpapakita ng 61.87 porsyentong pagbaba kumpara sa 217,830 na naitalang insidente sa parehong panahon noong 2016 hanggang 2018.

Ayon pa kay Executive Secretary Lucas Bersamin said “there has been a widespread decline in crimes across the board…Moreover, we have achieved stability and maintained peace and order in our country without foregoing due process (or) setting aside the basic human rights of any Filipino.”

Kabilang sa mga index crimes, ang pagnanakaw, physical injury, rape, murder, homicide, motorcycle and four-wheel vehicle, habang ang non-index crimes ay kinabibilangan ng reckless imprudence na nagdudulot ng pinsala sa ari-arian o sa katawan, iligal na pag-aari ng armas at mga bala, iligal na pagpuputol ng mga kahoy, acts of lasciviousness, direct assault, vandalism, at iba pangspecial laws.

Bilang paglalagom, sinabi ni Barbers na kapwa nagtagumpay ang mga kampanya laban sa droga ng administrasyong Duterte at Marcos sa pagbawas ng mga krimen at kasong may kinalaman sa droga, ngunit ang pamamaraan ni Duterte ay mas malupit at kontrobersyal, na may mataas na bilang ng mga nasawi at malawakang operasyon.

“The Marcos administration’s bloodless anti-drug campaign resulted to fewer fatalities and drug seizures, higher concentration on strategic arrests, and increased operational efficiency, suggesting a potential shift towards a more systematic and less violent anti-drug approach,” paliwanag ng kongresista.