BNVIHS

BNVIHS nagdiwang ng 43rd anniv

380 Views

BAUAN, Batangas–Ipinagdiriwang ng Bauan National Vocational Integrated High School (BNVIHS) na may temang “Building Noble Values, Inspiring Hope and Success” ang ika-43 taong anibersaryo ng pagbibigay ng edukasyon at patuloy na paghubog sa mga Bauangeño.

Dinaluhan ang pagdiriwang ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor bilang panauhing pandangal kasama sina Leah Briones, Diosa M. Lopez, Maribel R. Asi, Rebecca G. Buenviaje, Jhun Lerry M. Tayan at Jovita M. Landicho, principal ng Department of Education (DepEd).

Binigyang-diin ni Mayor Wendah na ang anibersaryo ay hindi lamang paggunita sa mahabang kasaysayan ng paaralan kundi isa ring patunay ng patuloy na misyon nito–ang hubugin ang isipan at puso ng mga kabataan.

Tiniyak din niya ang suporta ng LGU-Bauan para sa mga guro, mag-aaral at mga magulang sa pagtataguyod ng edukasyon sa mga kabataang nangangarap na makapagtapos.

Ang school ang kauna-unahang TESDA-accredited assessment center sa Batangas.