Rubio

BOC lalo pang paiigtingin kampanya vs smuggling para tulungan gobyerno

189 Views

THE Bureau of Customs (BOC) ensures the stringent implementation of our anti-smuggling campaign along our national borders. We remain adamant in our efforts to fight smuggling every day and around the clock.”

Ito ang diin ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio habang dinagdag niya na upang matulungan ang gobyerno na makalikom ng pondo para maipatupad ang mga proyekto at programang pakikinabangan ng taumbayan, mas lalo pa umanong paiigtingin ng BOC ang kampanya nito laban sa smuggling.

Ayon kay Rubio palalakasin ng kanyang ahensya ang pagbabantay ng mga border para maharang ang mga iligal na magpapasok ng produkto.

“BOC continues to strengthen its border protection measures to guard the public welfare against smuggled contraband and to prevent revenue leakages caused by illegal importation,” sabi in Rubio.

Kamakailan ay naharang ng BOC Water Patrol Division (WPD) sa Davao Coast na sakop ng Sta. Cruz, Davao del Sur ang isang motorized banca na iligal sanang magpapasok ng halos 25,000 ream ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P19 milyon.

Sa Zamboanga ay nahuli naman ng pinagsanib na puwersa ng BOC-Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2nd ZCMFC) ang bangka na may lulan na 141 master case ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P4.9 milyon. Ang bangka ay galing sa Jolo, Sulu at patungo umano ng Zamboanga City.

Walang naipakitang dokumento ang mga crew ng dalawang bangka para sa pagpasok ng mga sigarilyo.

“The BOC ensures the stringent implementation of our anti-smuggling campaign along our national borders. We remain adamant in our efforts to fight smuggling every day and around the clock,” sabi ni Commissioner Rubio.

Nakapagsampa na rin ng reklamo ang Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) ng BOC laban sa tatlong importer na iligal umanong nagpasok ng asukal sa bansa.

“Our continuous filing of criminal complaints against perpetrators of illegal importation manifests our commitment to end smuggling,” dagdag pa ni Commissioner Rubio.

Mula Enero 1 hanggang Marso 17 ay nakapaghain na ang BOC ng 45 na agri-related criminal complaint laban sa mga importer at customs broker na sangkot sa smuggling.