Rubio

BOC lumahok sa National Consciousness Week laban sa mga pekeng gamot

161 Views

UPANG maprotektahan ang publiko laban sa pekeng gamot, lumahok ang Bureau of Customs (BOC) sa National Consciousness Week Against Counterfeit Medicine 2023 na ginanap sa Vivere Hotel Alabang, Muntinlupa City noong Nobyembre 24.

Nagsama-sama ang mga lider ng iba’t ibang ahensya sa Pilipinas at ibang bansa, pharmaceutical industry, at mga asosasyon upang mapalakas ang sistema at proseso para mapalakas ang paglaban sa mga pekeng gamot.

Kabilang sa mga dumalo sina World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines, Dr. Rui Paulo de Jesus; Food and Drug Administration Director General Dr. Samuel A. Zacate; House Chairperson on the Committee on Health, Honorable Ciriaco B. Gato, Jr.; at Customs Intelligence and Investigation Service Director Verne Y. Enciso na kumatawan kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Para kay Commissioner Rubio, sinabi ni Director Enciso na patuloy ang ginagawang pagbabantay ng BOC sa mga pantalan laban sa mga pekeng gamot.

“At our borders, we stand guard against the illicit entry of goods into the Philippines. And as we continue to uphold our role, we will strengthen our institution’s efforts and reinforce cooperation with law enforcement agencies to curb all attempts to smuggle hazardous counterfeit medicines into the country,” sabi ni Enciso.

Binigyan diin ni Enciso na sa pamamagitan ng pagtutulungan ay mapananatili ang integridad ng healthcare system at mapangalagaan ang kalusugan ng publiko.

Nanawagan din ang BOC sa publiko na bumili lamang ng gamot sa mga kilalang drugstore upang matiyak na ligtas at epektibo ang iinuming gamot.