Rice1

BOC naharang 1K sako ng asukal mula Thailand na walang import permit

23 Views

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) ang kargamento na naglalaman ng 1,000 sako ng refined sugar na walang karampatang import permits at clearance.

Ang mga nakumpiskang asukal ay nagkakahalaga ng P5 million na nakumpiska sa Port of Manila.

Kasuod ng Pre-Lodgement Control Order na inisyu ni POM District Collector Alexander Gerard E. Alviar, isinailaim sa physical examination ang dalawang 20-foot containers at doon natuklasan ang mga laman nitong asukal.

Ikinasa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Sugar Regulatory Administration (SRA), Department of Agriculture (DA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at iba pang law enforcement units.

Nabatid na ang bawat container ay may lamang 500 na sako ng asukal na galing ng Thailand.

Ayon sa BOC, walang taglay na import allocation at clearance mula sa SRA ang mga produkto at wala ding authorization na inilabas para sa pag-aangkat ng mga ito.

Dahil sa kawalan ng karampatang dokuemento at import authority, iniutos ng Field Station Chief ng CIIS-Port of Manila ang pagpapalabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa kargamento dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Sugar Order No. 6 of 2022-2023.

Tiniyak naman ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio na magpapatuloy ang BOC sa pagpaaptupad ng mga hakbang para masiguro na tanging legally authorized imports lamang ang mapapayagang makapasok sa bansa bilang suporta sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na na pagkakaroon ng food security at economic stability.

Sinabi ni Rubio na malinaw ang utos ng pangulo na hindi dapat mapayagan ang smuggling ng anumang agricultural products bilang proteksyon na din sa mga lokal na magsasaka sa bansa.