Calendar
BOC naharang P72.8 shabu sa NAIA
NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang 10,706 gramo ng pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride na mas kilala bilang shabu na nagkakahalaga ng P72.8 milyon noong Enero 6.
Ang shabu ay nakatago sa luggage na dala umano ng isang pasahero na mula sa South Africa, ay may stopover sa Doha, Qatar, bago pumunta ng Maynila.
Nakalagay umano ang shabu sa mga improvised pouch na gawa sa packaging tape na ibinalot ng carbon paper.
Ang mg nakumpiskang item ay ibigay sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa pagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
Kinilala ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang maigting na pagbabantay ng mga tauhan ng adwana upang mapangalagaan ang bansa laban sa mga kontrabandong tangkang ipuslit.
“Our efforts reflect the BOC’s determination to take decisive action against illegal drug smuggling and ensure the safety of our communities,” ani Commissioner Rubio.
Binabalaan naman ni District Collector Yasmin O. Mapa ang mga drug trafficker na masasawata ang kanilang masamang plano.