Rubio

BOC nakipagkasundo sa DICT para mas mapaganda hatid na serbisyo

Neil Louis Tayo Jun 18, 2023
134 Views

PUMASOK sa isang kasunduan ang Bureau of Customs (BOC) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang mas mapaganda ang serbisyong hatid nito sa publiko.

Layunin ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) nina Customs Commissioner Bienvenido Rubio at DICT Secretary Ivan John Uy ang integration, interoperability, at interconnection ng sistema ng dalawang ahensya.

Sa ilalim ng kasunduan, susuriin ng DICT ang kasalukuyang information communication technology na ginagamit ng BOC upang matukoy kung papaano ito mas mapagaganda at mapadadali ang paggamit para sa kapakinabangan ng publiko.

Kasama sa kasunduan ang pagsunod ng dalawang ahensya sa mga kasalukuyang batas at polisiya ng gobyerno.

Sinabi ni Commissioner Rubio na handa ang BOC na yakapin ang digitalization at ang oportunidad na bigay ng Digital Age.

Nais ng BOC na ma-digitalize ang sistema nito upang mas maging mabilis at mas maging madali sa publiko ang pagkuha ng kanilang serbisyo.

Bukod kina Rubio, at Uy, dumalo sa signing ceremony sina DICT Undersecretary David Almirol, Jr., at Undersecretary Paul Joseph Mercado.