Calendar

BOC patuloy na kaagapay ng PBBM upang makamit Bagong Pilipinas
ISANG magandang araw sa lahat, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang parte ng mundo.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati naman natin si Hiroshi Katsumata na laging kaagapay ng mga kababayan natin sa Japan.
Pagbati rin kina: Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Marilyn Yokokoji ng Ihawan, Glenn Raganas, Ate Vina ng Ihawan, Edwin Ramirez at kay Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman.
Mabuhay kayong lahat!
(Para sa inyong opinyon at pagbati, mag-text lang sa: +63 9178624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.
***
Patuloy na pinapatunayan ng Bureau of Customs (BOC) na kaagapay sila ng iba pang opisina ng gobyerno para makamit ang vision ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Ang vision ni Pangulong Marcos ay magkaroon ng Bagong Pilipinas na kung saan magiging maunlad at mapayapa ang ating bansa.
Sa tingin ng marami ay matutupad ang vision ni Marcos bago siya bumaba sa puwesto sa June 30, 2028.
Kayang-kayang gawin ito ng administrasyon ni Pangulong Marcos basta meron tayong mga Filipino ng “genuine unity.”
Dapat magtrabaho ang bawat isa sa atin na parang “isang mahusay na orchestra.”
Kailangang ang taumbayan at ang mga ahensya ng gobyerno, kagaya ng BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR), ay sumunod sa kumpas ng mga namumuno natin.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng BOC at BIR para mapondohan ang mga programa at proyekto ng gobyerno.
Hindi dapat makaapekto ang mga eleksyon para lalong gumanda ang revenue collection performance ng BOC at BIR.
Parehong nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ang BOC at BIR ang pinaka-malaking tax collectors ng bansa,
Sa totoo lang, ang dalawang government agencies na ito ay “indispensable” kung ang pag-uusapan ay “financial health” ng Pilipinas.
Kung magpapabaya ang mga opisyal at tauhan ng BOC at BIR ay hindi “tatakbo” ng maayos ang “government machinery.”
Ang nakakatuwa naman, ang dalawang ahensyang ito ay nagtatrabaho ng mahusay.
Patuloy nilang nalalampasan ang kani-kanilang revenue collection targets.
Ang taxpayers naman ay masunuring nagbabayad ng tamang buwis. Kasama na ang mga importer at customs broker.
Tama ba kami, Finance Secretary Ralph Recto at BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio?
***
Labindalawang araw na lang at matatapos na ang unang dalawang buwan ng 2025.
Papasok na tayo sa huling buwan ng first quarter ng taon.
Pagkatapos ng first quarter ay makikita na natin ang takbo ng pangongolekta ng buwis at taripa sa ports of entry.
Alam ng mga taga-aduana na kailangang doble-kayod sila dahil napakataas ang 2025 assigned tax take ng BOC.
Sila ay naatasang mangolekta ng P1.06 trilyon sa taong ito.
Hindi madali ito dahil maraming challenges ang kinakaharap ngayon ng mundo.
Nandiyan ang giyera ng Russia at Ukraine, gulo sa Middle East, tensyon sa West Philippine Sea at away sa Estado Unidos.