Calendar
BOC pinaigting ang efficiency
ISANG magandang araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman at iba pang parte ng mundo.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati naman natin si Hiroshi Katsumata na walang sawang umaalay sa mga kababayan natin sa Japan.
Pagbati rin kina: Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Marilyn Yokokoji ng Ihawan, Glenn Raganas, Ate Venus ng Ihawan, Edwin Ramirez at kay Joann de Guzman at mga kasama diyan naman sa Oman.
Mabuhay kayong lahat!
(Para sa inyong opinyon at pagbati, mag-text lang sa: +63 9178624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.
****
Sa isang opisinang kagaya ng Bureau of Customs (BOC), napakahalaga na mag-undergo ng regular training ang mga opisyal at tauhan.
Dapat kasi updated ang kanilang kaalaman sa kani-kanilang pang-araw-araw na trabaho at gawain sa aduana.
Kung hindi ay baka hindi sila maging epektibo dahil sa tinatawag na digitalization.
Kaya nga noong isang buwan ay nagpadala ang BOC ng mga personnel na magsasanay sa Bangkok, Thailand.
Lumahok sila sa Capacity Building Program under ng Bulk and Breakbulk Cargo Clearance Enhancement Program (BBBCCEP).
Ang anim na araw (January 13-18) na training program ay naglalayong ma-enhance ng participants ang kanilang technical expertise.
Ito ay sa larangan ng cargo surveying techniques.
Ang training ay organized ng COTECNA, a leading provider ng testing, inspection at certification services.
Ito ay alinsunod sa isang Customs Memorandum Order “mandating capacity-building programs on cargo surveying techniques.”
Ang training ay in line din sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lalo pang mapaigting ang bureaucratic efficiency.
***
Hindi natin maintidihan kung bakit patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.
Sa tingin natin ay gawa na ito ng mga mapagsamantalang negosyante at tindera sa bansa.
Wala naman tayong nababalitaang kakapusan ng supply ng anumang goods, lalo ang mga gulay.
Ang nakikita lang nating, dahilan, lalo na sa mga probinsiya ay ang mataas na singil ng mga drayber ng tricycle.
Kawawa ang mga mananakay ng tricycle.
Napipilitan silang sumakay ng tricycle dahil wala namang masakyang iba.
Tuloy napipilitan ang mga magsasaka na itaas ang presyo ng kanilang mga produkto dahil sa mataas na transport cost.
***
Hindi na yata matitigil ang bentahan ng boto, lalo na sa kanayunan na kung saan ginagawang opisina ng DSWD ang bahay ng mga kandidato.
Kailangang gumawa ng drastic moves ang mga otoridad para matigil na ang vote-buying at vote-selling.
Ang problema kasi ay parehong maapaparusahan ang bumibili at magbebenta ng boto.
Kaya walang aaming vote seller dahil kulong din siya kagaya ng vote buyer.
Ang pinakamaganda siguro ay tanggapin ang pera o regalo pero huwag iboto ang vote-buyer.
Hindi naman niya malalaman na hindi mo siya ibinoto pagdating ng eleksyon sa May 12.
Tama ba kami, Comelec Chairman George Erwin Garcia?