BOC

BOC rerepasuhin proseso ng pagsilip sa mga bagahe ng pasahero

192 Views

REREPASUHIN ng Bureau of Customs (BOC) ang proseso nito ng pagsuri sa mga bagahe ng mga pasahero ng paliparan.

Ito ang sinabi ng BOC matapos na mag-viral sa social media ang pagsira ng isang tauhan nito sa eroplanong laruan na dala ng isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 dahil mayroon itong kahina-hinalang laman sa loob.

“We understand the importance of balancing security and passenger comfort. Thus, we will review our procedures to align with this goal and to avoid similar occurrences in the future,” sabi ng BOC.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng BOC, mayroon umanong kahina-hinalang bagay na lumabas sa x-ray inspection ng idaan dito ang laruang eruplano.

Matapos makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay binuksan ang eroplano habang nakamasid ang may-ari nito.

Kinailangang sirain ang eroplano para makita kung ano ang nasa loob nito. Nang tuluyang mabuksan ang laruan ay walang nakita rito.

Humingi naman ng paumanhin at pang-unawa ang BOC sa nangyari.

“We sincerely apologize to the concerned passenger for any inconvenience it may have caused and recognizes the unintentional errors committed at the expense of our passengers,” sabi ng ahensya sa inilabas nitong pahayag.

Ayon sa BOC ang pagtatago ng mga ipinagbabawal na gamot sa loob ng mga laruan upang mailusot sa inspeksyon ay hindi na umano bago kaya maigi itong sinusuri ng kanilang mga tauhan.

“The BOC takes its role seriously to keep our borders free from the entry of illicit goods in line with the President’s call against illegal drugs,” dagdag pa ng ahensya. The Bureau of Customs appreciates the public’s patience and understanding as we work to keep our country safe and drug-free.”