Vendor

Boga nakuha sa nakikipag-away na kelot

Edd Reyes Apr 13, 2025
25 Views

TIMBOG ang 31-anyos na vendor na armado ng baril habang nakikipagtalo sa isa pang lalaki noong Sabado sa Caloocan City.

Sa ulat ni Northern Police District (NPD) director P/BGen. Josefino Ligan, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 10 nang mapansin ang pagtatalo ng dalawang lalaki dakong alas-11:50 ng gabi sa Pinagbuklod, Sto. Niño, Brgy. 178 habang armado ng baril ang isa.

Nang lumapit ang mga pulis upang umawat, nakatakbo ang isa at nadakip ang vendor na may hawak na hindi lisensyadong kalibre .38 revolver na may isang bala.

Bukod sa nakumpiskang revolver, nakuha rin ng mga pulis sa suspek, na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act at BP 881 o ang Comelec gun ban, ang isang laruang kalibre .45 pistol.

“This successful intervention highlights the vigilance of our personnel on the ground. Their proactive actions are crucial to ensuring the safety and security of our communities,” pahayag ni BGen. Ligan.