SAG-MPD Station 9 members nag-oath taking
May 30, 2026
Calendar
Metro
Boga nakuha sa natiklong lalaki
Edd Reyes
Mar 8, 2026
265
Views
TIKLO ang 38-anyos na lalaki dahil sa pagbebenta ng baril sa pulis na nagpanggap na buyer noong Linggo sa Makati City.
Ikinasa ang entrapment ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo laban sa suspek dakong alas-4:00 ng umaga sa Brgy. Guadalupe Viejo matapos makipagtransaksiyon sa inaakalang buyer.
Nakumpiska sa kanyang possession ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ang isang 9mm pistol na may magazine at P1,000 bill.
Isasailalim naman sa ballistic examination ng SPD Forensic Unit ang nakumpiskang baril upang alamin kung nagamit na ito sa mga nangyaring krimen.
SAG-MPD Station 9 members nag-oath taking
May 30, 2026
Lalaki laglag sa tangkang pamamaril
May 30, 2026
QCPD pinaghahanap nanakit ng 73-anyos na TNVS driver
May 29, 2026
Nanghalay huli sa Valenzuela
May 29, 2026

