Bomba Dahan dahan binubuhat ang natagpuang vintage bomb na nahukay sa gilid ng National Musium sa Ermita, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

BOMBA NAHUKAY SA NATIONAL MUSEUM SA ERMITA MANILA

Jon-jon Reyes Jun 18, 2025
17 Views

ISANG vintage bomb ang nadiskubre ng mga manggagawa habang naghuhukay Miyerkules ng umaga sa National Museum sa Finance Road, Ermita, Manila.

Agad inireport ang insidente sa Ermita Police Station 4 ng Manila Police District. Kinordon ang lugar at nagresponde ang mga tauhan ng District Explosive Canine Unit ng MPD (DACU).

Ayon sa ulat, bandang 10:23 a.m. nang makita ang 81 MM mortar ng mga operatiba sa pangunguna ni Police Lieutenant Eduard Raguindin kasama ang apat na tauhan ng MPD – DACU. Wala na umanong peligro na sumabog ang nasabing

Si Police Staff Sergeant Regie Sallaya, imbestigador ng Station, ang isa sa nagtungo sa lugar na sinuri naman ni Police Lieutenant Carl Lloyd Mupas, duty officer.