Calendar
Bordado nadismaya sa pagsasauli ng Senado sa Kamara ng Articles of Impeachment
IKINADISMAYA ng isa sa mga endorsers ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte na si Camarines Sur 2rd District Representative Gabriel “Gabby” Bordado, Jr. ang pagsasauli ng Senado sa Kamara de Representantes ng Articles of Impeachment laban sa kontrobersiyal na Pangalawang Pangulo.
Binigyang diin ni Bordado na Constitutional ang inisinampang una, pangalawa, pangatlo hanggang sa umabot sa ika-apat na impeachment case. Kung saan ito ay pinagsama-sama na lamang para mabuo ang iisang reklamo laban kay VP Sara Duterte.
Ang ibinigay na pahayag ni Bordado ay batay sa naging pagkuwestiyon ng mayorya ng mga Senador sa pangunguna ni Senate President Francis “Chiz” Escudero III sa Articles of Impeachment na nag-resulta naman para isauli nila ang reklamo sa Mababang Kapulungan.
“Yung first, second and third cases at nagkaroon ng fourth case. Pumirma ako duon sa fourth case at nag-endorse din ako sa third case, so iyong tinatanong ng mga Senador kung Constitutional ba yung ipinasok na fourth case ng House, malinaw po na pinagsama-sama lang yung three cases na nauna at ginawa nang pang-apat na kaso,” sabi nito.
Nang tanungin si Bordado kung ano ang kaniyang naging reaction pagkatapos mag-desisyon ang Senado na ibalik sa Kamara de Representantes ang nasabing Articles of Impeachment. Pagbibigay diin ng Bicolano solon na ito ay kaniyang ikinabigla.
“I was really stunned by what happened in the Senate. Hindi ko ine-expect na ganoon ang mangyayari and after the verbal gymnastics of Senate President Francis Escudero. I was expecting that they would really tackle the Impeachment trial,” paliwanag ng mambabatas.
Idinagdag pa ng kongresista na “nakaka-insulto” umano ang ginawa ng Senado dahil sa kanilang naging desisyon kung saan iginigiit ni Bordado na ginawa nila ang lahat para lamang ma-polido at maisa-ayos mabuti ang isinampang Articles of Impeachment.
“Talagang nakaka-insulto ang ginawa ng Senado. Hindi namin talaga inaasahan na ganoon ang kanilang gagawin. As far as the House of Representatives is concerned, ginawa namin ang lahat kaya kami nag-sign duon because we belive na tama ang dokumentong ipinasa namin sa Senado. First time itong nangyari na ibinalik sa Kongreso and I am really disappointed,” dagdag pa ni Bordado.

