Vic Sotto

Bossing Vic mabenta ngayon

Ian F Fariñas Jul 19, 2024
30 Views

MABENTA ngayon si Bossing Vic Sotto dahil bukod sa pagkakapili ng pelikula niyang The Kingdom kasama si Piolo Pascual bilang isa sa official entries sa 50th year ng Metro Manila Film Festival (MMFF), umaariba rin siya bilang endorser dahil siya ang napisil ng PlayTime, isang growing online gaming platform, na maging mukha nito.

Ayon sa mga taga-Playtime, si Vic and “best” choice para maging kauna-unahan nilang celebrity endorser.

Wala na umanong tatalo rito pagdating sa paghu-host, pagpapatawa at pagiging icon sa TV man o pelikula.

Sa photo at video shoot ng production kamakailan, kasa-kasama ni Bossing Vic ang PlayTime executives para maging mas epektibo ang online gaming experience ng players nito.

Naikwento nga ng taga-Playtime na mismong si Vic ay nasubukan nang maglaro ng kanilang online game. Ginagawa umano ito ng komedyante-TV host sa kanyang spare time.

Pero malinaw din kay Vic ang responsibilidad ng pagsabak sa online gaming at ibinabahagi nito ang pagiging responsable at disiplinado sa paglalaro bilang isang uri ng libangan.

Pahayag ng mister ni Pauleen Luna, “It is truly heartwarming and a privilege to continue my mission to bring fun, entertainment and happiness in the daily lives of Filipinos, anytime and anywhere, through PlayTime.”

Kasama ni Bossing bilang endorser, mas masaya ang magiging paglalaro ng players sa mahigit 2,500 games na maaaring pagpilian sa largest game bank of its kind.

Ang PlayTime rin ang may best online gaming experience na may garantisadong highest cashback sa bansa na 2% higher kumpara sa iba pang licensed platforms.

Meron din itong guaranteed withdrawal in 10 minutes, at may total na P1,000 guarantee para sa delayed orders.

Ibig sabihin, may pareho itong high stakes excitement sa 10 million players nito na mas lalo pang dumarami sa paglipas ng mga araw.

For starters, ang mga beginners ay matatanggap ng libreng bonus na nagkakahalaga ng P3,875.

Incidentally, naging partner din ang Playtime ng Binibining Pilipinas Charities, Incorporated (BPCI) bilang isa sa sponsors ng katatapos na 60th Binibining Pilipinas pageant.

Ang PlayTime ay accessible via GCash, Maya or www.playtime.ph.