Coo Coo at Atty. Iroy sa PSC office.

Bowling legend Bong Coo napiling PSC commissioner

Ed Andaya Jul 21, 2022
388 Views

NAPILI ang bowling great na Olivia “Bong” Coo na pinakabagong commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).

Inanunsyo ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy ang pagkakahirang ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Coo sa pakikipagpulong nito sa bowling legend sa PSC Administrative Bldg. sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

Natanggap ng PSC ang appointment papers ni Coo mula Malacañang nitong Martes ng hapon.

Ang four-time world champion, Bowling Hall of Famer at PSC Hall of Fame awardee na si Coo ang unang appointee ni President Marcos sa sports.

Sa kasalukuyan, ang 74-taong-gulang na si Coo ay Chairperson ng Women in Sports Commission ng Philippine Olympic Committee (POC) at pangulo ng Philippine Bowling Federation.

“Napakaganda ng buhay ko dahil sa bowling starting in the 70s until my retirement and now I try to pay it forward whenever I can,” pahayag ni Coo sa isang panayam sa “Women’s Month” episode ng “Sports On Air” nung March 19.

Sinabi din niya na umaasa siyang makapagbibigay ng inspirasyon sa mga bagong generation ng Filipino female sports heroes sa pagbabahagi ng kanyang karanasan bilang most decorated Filipino athlete base sa Philippine Republic Act 9064, na milala din na asmm “Athletes Incentives Act of 2001”.

“As the Chairperson of the Women in Sports Commission of the Philippine Olympic Committee (POC), madami kaming isinusulong na programa na magtataguyod ng ating mga female athletes,” dugtong ni Coo, na napili din sa World Bowling Writers International Bowling Hall of Fame sa International Bowling Hall of Fame and Museum saSt. Louis, Missouri nung 1993.

“Matagal na talagang dapat binigyang-pansin ang mga women athletes natin. Pareho din naman ang initiative, pareho ang puso, pareho ang kagustuhang lumaban at magbigay ng karangalan sa bansa. Gender equality means equal rights, equal responsibilities and equal opportunities,” dagdag ni Coo, na kauna-unahan ding Filipino athlete na nakasama sa Guinness Book of World Records ng dalawang ulit.

“During our time, less sponsorships, less prizes, less coaches na babae. Pero ngayon madami na ding pagbabago,,” paliwanag pa ni Coo, na tinanghal bilang isa sa “Greatest International Bowlers of All-Time” ng prestihiyosong Bowlers Journal International sa kanilang ika 100-year anniversary issue nung 2013.

Sa kabuuan, si Coo ay may hawak na 78 medals — kabilang an mg 37 golds — sa world at regional competitions.

Kabilang din si Coo sa mga sikat na sports heroes na pinarangalan ng Philippine Postal Corporation..