Boy abunda

Boy Abunda pinangunahan ang pagbibigay-pugay sa tatlong natatanging kababaihan sa Amerika

Eugene Asis Oct 9, 2022
260 Views

Boy abundaBoy abundaBoy abundaBoy abundaBoy abundaManhattan, New York – Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama sa isang event sina Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, Filipino-American businesswoman and philanthropist Loida Nicolas Lewis at Los Angeles-based Filipino-American businesswoman at CEO ng O Skin Care Olivia Quido-Co, para sa isang intimate conversation na inorganisa ng Friends of the Philippines Society USA Incorporated (FPHSUSA Inc).

Ginanap ang event noong September 23 sa Players NYC sa Gramercy Park sa New York City na dinaluhan ng ating mga kababayan mula sa tri-state area (New York, New Jersey at Connecticut), supporters at allies ng Filipino community, executives mula sa Miss Universe Organzation, mga negosyante at iba pa.

Sumentro sa ‘Women Empowerment’ ang kuwentuhan na pinangunahan ni Asia’s King of Talk Boy Abunda. Ibinahagi ni Abunda ang ilang natatanging kuwento ng kasaysayan sa Amerika na hindi naging madali ang daan para sa mga kababaihan para mabigyan ng mga karapatang hindi nila natatamasa noon gaya ng ‘right to vote’ o karapatang bumoto.

Sa loob ng mahigit isang oras, naging makulay ang pagbabahagi ng tatlong bisita ng kanilang mga kuwento ng tagumpay, kuwento ng adbokasiya at kuwento ng pag-ibig.

Gaya ni Olivia Quido-Co, na binigyang pagpapahalaga ang paggabay ng kanyang mga magulang at salita ng Diyos sa pagpapatakbo ng kanyang O Skin Care sa Amerika, South America at iba pang bansa. Sa pagtatapos ng programa, ginawaran ng Asian American Minority Business Excellence Award si Quido-Co.

Ayon sa event organizers na sina Jerry Sibal at Edwin Josue: ‘FPHSUSA Inc has bestowed an award to Olivia Quido-Co for her breakthrough success in the mainstream USA with her skin care line as endorsed by the Miss Universe Organization.