Martin1

BPSF dinala makatotohanang pagbabago sa buhay sa 21 probinsiya — Speaker Romualdez

67 Views

SINABI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nagdala ng makatotohanan at nararamdamang pagbabago sa buhay ng mga benepisyaryo sa 21 probinsya ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Ibinahagi ito ng Speaker sa mga kinatawan ng iba’t-ibang ahensya na nakibahagi sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit sa PICC forum sa Pasay City.

Nagbukas ang summit noong Agosto 19 at magpapatuloy hanggang sa Agosto 21.

Upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng BPSF, dumalo si Pangulong Ferdinand Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa Gabi ng Pagkakaisa Fellowship Dinner.

“The Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, a visionary initiative under the leadership of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., is much more than a program.

It is a living embodiment of our collective dedication to bringing government services directly to the people, ensuring that no one is left behind, no matter how remote or underserved their community may be,” sabi ni Speaker sa pagbubukas ng summit.

“However, the success of this endeavor is not just about reaching numbers or launching programs. It is about the real, tangible difference we make in the lives of our kababayan,” dagdag ng lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Dumalo sa agency summit ang may 1,500 regional directors at regional heads ng 75 national government agencies mula sa 17 rehiyon ng bansa at central offices.

“None of this would have been possible without the tireless efforts, unwavering commitment and seamless collaboration of every government department and agency represented here.

To each and every one of you, I extend my deepest gratitude,” paglalahad ni Speaker Romualdez.

Pinasalamatan din niya ang Department of Health sa walang kapagurang pagsiguro sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan hanggang sa pinakamalalayong barangay gayundin sa Department of Social Welfare and Development na nagsisilbing lifeline ng mga pinakamahihirap na kababayan at iba pang ahensya.

“… To the Department of Education, for bringing hope and knowledge to the farthest corners of our nation; and to all the other agencies that have poured their hearts into this mission–you have my utmost respect and appreciation,” ani Speaker Romualdez.

Tampok sa unang araw ng Agency Summit ang pag-aaral na ginawa ni Prof. Lianne Angelico Lipante, chair ng Public Management Program ng University of the Philippines, na pinamagatang “Mabilis at Maayos na Pamamahala Tungo sa Masaya at Maginhawang Bagong Pilipinas: Assessing the BPSF Through the Lens of 4MS.

Sabay ding inilunsad ang website ng BPSF sa pangunguna ni Atty. Shawn Capucion, pinuno ng Programs Division ng Office of the Speaker.

Mayroon din maikling pagbabahagi si NEDA USec Rosemarie Edillon ukol sa Effective Strategies for Program Implementation, na sinundan ng panel discussion sa pangunguna ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora at House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada Jr.

Magkakaroon din ng pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Start-up, Incentives, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL) Program para sa mga maliliit na Pilipinong negosyante.

Magtatapos ang unang gabi sa pagpapakilala ni Speaker Romualdez sa panauhing pandangal na si Pangulong Marcos Jr., na magbabahagi ng kaniyang mensahe sa mga kabahagi ng Agency Summit.

“This summit is both a celebration of our achievements and a call to action. We have accomplished much, but our work is far from over. The challenges we face as a nation–poverty, inequality, and the need for sustainable development–are formidable,” ani Speaker Romualdez

“As we move forward, let us remember the four pillars that have guided us: Mabilis, Maayos, Maginhawa, Masaya.

These are not just words, but a philosophy of governance that ensures every Filipino experiences the swift, orderly, comfortable and joyful life they deserve,” wika niya.