Calendar
Brgy. dinalaw ng hepe ng parak
PUMUNTA noong Linggo si P/Lt. Col. Ira Morello, hepe ng Batangas City police, sa pagtitipon sa Brgy. Sorosoro Ibaba, Batangas City na may temang “Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran.”
Ang mga opisyal ng barangay, mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, at mga residente ay dumalo rin upang talakayin ang mahahalagang programa, proyekto at inisyatibo sa kalinisan, kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Ang nasabing aktibidad ay nagsilbing daan upang mapalakas ang ugnayan ng pamahalaang barangay, kapulisan at mamamayan at upang hikayatin ang pakikilahok ng bawat isa sa pagpapaunlad ng pamayanan.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, makakamit natin ang isang mas ligtas, maayos at maunlad na barangay para sa lahat, ayon sa mga pulis.

