Calendar
Bruno: 5-min response time gawing habit
CABANATUAN CITY–Dapat maging daily habit ng mga pulis ang 5 minutong response time sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin alinsunod sa direktiba ni Chief PNP Nicolas D. Torre III.
Ito ang sinabi ni Nueva Ecija police chief P/Col. Heryl Bruno sa kanyang mga tauhan.
“Kailangang i-adapt na nila ang five-minute response time at gawin na nilang hobby iyan. Basta kapag may tawag, matik, i-assess natin ang situation bago sila pumunta, time to beat–‘yon na po ang response,” pahayag ni Bruno.
Bagama’t, walang “demerits” na ipapataw sa chiefs of police na makukulangan sa pagsunod sa utos ng chief PNP, “kailangang i-improve, i-improve talaga kaya kailangan tuluy-tuloy ang ating SIMEX (simulation exercise),” sagot ni Bruno.
Dagdag ni Bruno, sa ngayon ay wala siyang nakikitang problema sa kanyang mga police chiefs dahil kaya nilang sumunod sa limang minutong oras ng pagtugon.
Nakapag-adjust din sila sa iba pang mga kadahilanan tulad ng matinding trapiko dulot ng mga on-going road construction projects, dagdag ng hepe ng pulis.
“Nakakatalima at nabi-beat naman nila ng 5-minute response sa ngayon. Siyempre may konting adjustment,” ani Bruno.

