Calendar
Larawan: DENR NCR
Bukarot nasagip sa Valenzuela
ISANG critically endangered na Philippine freshwater crocodile o “bukarot” ang nasagip sa isang katubigan sa Valenzuela City matapos itong mamataan at agad i-report sa mga awtoridad.
Ayon sa DENR at City Veterinary Services Office, nasa maayos na kondisyon ang Philippine freshwater crocodile na may habang 7 talampakan at 3 pulgada at tinatayang bigat na 70 kilo.
Agad itong dinala sa Biodiversity Management Bureau – Wildlife Rescue Center para sa obserbasyon, pagsusuri, at rehabilitasyon.
Kilala ang bukarot bilang isa sa pinakabihirang uri ng buwaya sa mundo at nakalista bilang “Critically Endangered,” kung saan tinatayang wala pang 250 mature individuals ang natitira sa ligaw.
Muling pinaalalahanan ng DENR ang publiko na iwasan ang ilegal na pag-aalaga ng wildlife at agad iulat sa mga awtoridad ang mga kahalintulad na insidente.

