Calendar

Business dealings ni Ruiz di issue
TINIYAK ng Malakanyang na tatalima sa lahat ng legal requirements ang bagong talagang kalihim ng Presidential Communications Office na si Jay Ruiz.
Ito’y matapos maiulat na ang media company na Digital 8 Inc. kung saan co-founder si Ruiz ang nakakuha sa P206 milyong kontrata sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para ilipat ang pagpapalabas sa lotto draws mula PTV 4 patungo sa IBC-13 noong huling quarter ng 2024.
Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nakasaad sa batas na lahat ng appointees kinakailangan na mag-divest sa lahat ng shares o interests sa mga pribadong kompanya sa loob ng 60 araw matapos maupo sa pwesto sa gobyerno.
Sinabi ni Castro na hindi isyu ang business dealings ni Ruiz dahil ginawa ito noong hindi pa siya kalihim ng PCO.
“Kung ang mga naging negosyo niya hindi pa po siya na-appoint as Secretary of PCO, so wala naman po tayong nakikitang mali doon, dahil kailangan din naman niyang kumita,” pahayag ni Castro.