MLQ

Bust ni MLQ na inukit ng National Artist nasa QC na

Cory Martinez Feb 9, 2025
14 Views

NAKAMIT ng Quezon City ang bust ni dating Pangulo at QC founding father Manuel L. Quezon na inukit ni National Artist for Sculpture Guillermo Tolentino.

Kabilang sa listahan ng auction ang naturang iskultura na may titulong “A Bust of a Man” mula sa José Abád López Collection ng León Gallery.

May taas na 22 sentimetro, 9 na sentimetro na lapad at 11 sentimetro ang size ng naturang iskultura.

Madagdag ang iskultura sa mga koleksiyon ng pamahalaang lungsod na nasa Quezon Heritage House.

Nananatiling buhay ang legasiya ni Pangulong Quezon sa pagkakakilanlan ng Quezon City.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, lalo pang pinagtibay ang pangako ng pamahalaang lungsod sa pagpreserba at pagpapakita sa mayamang cultural at historical heritage nito sa pagkamit ng naturang Tolentino masterpiece.

Kinikilala si Tolentino bilang unang National Artist for Sculpture. Kabilang sa kanyang mga iconic pieces ang Bonifacio Monument sa Caloocan at ang Oblation ng University of the Philippines.

Ipinapakita ng bagong kamit na bust ni President Quezon ang natatanging
neoclassical style ni Tolentino na immortalized na ng ilang sa mga revered figure sa bansa.

“As a city that takes great pride in its history, we are honored to bring this remarkable piece home.

This bust is not only a tribute to our founding father but is also aligned to our goal of preserving our nation’s artistic and cultural legacy,” ani Belmonte.

Ang Quezon Heritage House, na makikita sa loob ng Quezon Memorial Circle, museum na itinatampok ang buhay at kontribusyon ni Quezon.

Kabilang dito ang mga relic, memorabilia at artifacts na may kinalaman sa dating pangulo. Ang naturang edipisyo ang aktwal na rest house ni Quezon.