CAAP naglabas ng 69-day NOTAM

Jun I Legaspi Feb 3, 2026
214 Views

KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang paglalabas ng 69 na araw na Notice to Airmen (NOTAM) sa Manila Flight Information Region (FIR) kaugnay ng nakatakdang military exercise.

Epektibo ang nasabing NOTAM mula alas-7:00 ng umaga noong Enero 22 hanggang alas-5:00 ng hapon sa Marso 31, 2026 at sakop ang vertical limit mula sa ibabaw ng lupa hanggang 18,000 talampakan.

Pinapayuhan ang lahat ng piloto na mag-ingat at maging mapagbantay upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng paglipad.