CAAP

CAAP nakumpleto na upgrade ng CNS/ATM system

Jun I Legaspi Sep 30, 2024
79 Views

NAKUMPLETO na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang system upgrade sa Communications, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system nito noong Lunes.

Nakumpleto ang upgrade alas-2:47 ng madaling-araw nang walang anumang operational disruptions o flight diversions.

Nagsimula ang proseso ng alas-12:31 ng madaling araw at natapos nang maayos sa loob ng itinakdang oras.

Dakong alas-3:01 ng madaling-araw nang bumalik na sa normal ang lahat ng operasyon sa paliparan at tinanggal ang pansamantalang flow control measures.

Sa buong proseso ng upgrade, epektibong naisaayos ang air traffic sa panahon habang ang mga international overflights ligtas na naitawid sa Philippine Flight Information Region sa ilalim ng procedural control na ibinigay ng Manila Area Control Center.

Ang lahat ng departures at arrivals sa buong bansa naiproseso at tinitiyak na ang mga flight ligtas na nakarating sa kanilang mga destinasyon nang nasa oras.

Ang upgrade isang mahalagang bahagi sa paglulunsad ng pinahusay na Air Traffic Management System (ATMS) software version na magsasaayos sa kahusayan, kaligtasan at pagiging maaasahan ng pamamahala ng air traffic sa himpapawid ng Pilipinas.