CAAP

CAAP NOTAM:Lingayen Airport pansamantalang sarado Nov. 1,2

Jun I Legaspi Nov 1, 2025
627 Views

NAGLABAS ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa pansamantalang pagsasara ng Lingayen Airport kaugnay ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa sa Nob. 1 at 2.

Nasa tabi ng Lingayen public cemetery ang airport at matagal nang naging daanan ng mga bumibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Dahil inaasahan ang pagdagsa ng libu-libong tao sa lugar, nagdudulot ng panganib sa kaligtasan at seguridad ng publiko at ng operasyon ng mga sasakyang panghimpapawid ang pagpapatuloy ng operasyon ng paliparan sa panahon ng Undas.

Epektibo ang NOTAM mula alas-7:00 ng umaga ng Oktubre 31 hanggang alas-4:00 ng hapon ng Nobyembre 2.

Saklaw ng NOTAM ang lahat ng operasyon ng sasakyang panghimpapawid, kabilang na ang mga pagsasanay ng tatlong flying school na gumagamit ng Lingayen Airport.