Cabinet

Cabinet meeting ‘dedma’ sa POGO issue

Chona Yu Jul 9, 2024
103 Views

AMINADO si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi pinag-uusapan sa Cabinet meeting ang panukalang ipagbawal na ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Balisacan na hindi pa nila napapag- usapan sa lebel ng economic managers ang pagpapasara sa mga POGO.

Higit aniyang tinutukan ngayon ng administrasyon ang paglikha ng mga trabaho.

“I think that there are a lot of opportunities for the country, for the economy, for our workers, we can focus on those,” pahayag ni Balisacan.

Samantala, sinabi ni Department of Labor and Employment Beinvenido Laguesma na pinaghahandaan na ng kanilang hanay kung magpapasya ang gobyerno na ipasara ang operasyon ng POGO.

May profiling, upskilling at retooling na ginagawa na ngayon ang DOLE para maging handa ang mga manggagawang maaring mawalan ng trabaho.

Ayon kay Laguesma, nasa 22,000 na manggagawa ang maaring mawalan ng trabaho kapag isinara ang operasyon ng POGO.