Calapan

Calapan muling hinirang na pinaka-competitive city sa ika-4 na taon

46 Views

ORIENTAL Mindoro–Muling kinilala ang Calapan City bilang pinaka-competitive component city sa bansa sa ikaapat na magkakasunod na taon.

Sumasalamin ang kahanga-hangang tagumpay na ito sa mga pangako ng lungsod sa kahusayan sa iba’t-ibang larangan ng pamamahala, economic dynamism, pag-unlad ng imprastraktura, katatagan at mga serbisyong panlipunan.

Patuloy ang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Malou Flores-Morillo, kasama ang dedikasyon ng mga mamamayan at department head nito, sa pagtutulak ng sustainable growth at innovation na nagtatakda ng benchmark para sa iba pang lungsod sa buong bansa.

Ang pare-parehong nangungunang pagganap ng Calapan binibigyang-diin ang papel nito bilang isang modelo para sa mabuting pamamahala at isang maunlad na lungsod na nagbibigay-prayoridad sa kapakanan ng mga mamamayan.