Calapan

Calapan nagkaroon ng employees’ day

Helen D. Prado Mar 20, 2026
90 Views
CALAPAN CITY–Ginanap ang employees’ day sa Calapan City at lumahok ang mga empleyado suot ang coachella-inspired festival outfit na pinangunahan ni Mayor Doy Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio.
Sa temang “Rhythms of Service: Employees Day & Loyalty Awards Ceremony,” pinatunayan ng mga kawani na bukod sa sa trabaho, marunong rin silang magpakitang-gilas.
Ayon kay Mayor Doy, mahalaga ang ganitong okasyon dahil layunin nitong bigyan ang mga empleyado ng pagkakataong mag-enjoy, kasabay ng pagpapahalaga sa kanilang mga gampanin.
Nagbukas ang selebrasyon sa flash mob dance performance na sinundan ng “Your Face Sounds Familiar” competition-style contest.
Dagdag sa raffle draw, ang Model Employee of the Month at Loyalty Awarding Ceremony ay nagbigay ng inspirasyon at pagkilala sa mga napiling kawani.
“Ang Employee’s Day ay hindi lang para sa kasiyahan kundi para rin kilalanin ang ambag ng bawat kawani sa tagumpay ng City Government of Calapan sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo publiko,” sabi ng mayor.
Sa pamamagitan ng pagtitipong ito, pinapalakas din ang pagkakaisa at morale ng mga empleyado, na nagiging inspirasyon para sa mas mahusay na serbisyo sa mamamayan, dagdag pa niya.