Leachon

Calapan naglunsad ng acoustic night market

Helen D. Prado Oct 4, 2025
132 Views

BINUKSAN kamakailan sa city plaza ng Calapan ang Kalap-Kulinarya Night Market: Acoustic Night & Mini Night Market, isang programa sa ilalim ng Kalap-Kulinarya Food Caravan 2025 na nagpo-promote ng mga pagkain at local bands para buhayin muli ang plaza bilang pasyalan.

Ang proyekto isang hakbang upang higit pang pasiglahin ang turismo sa Calapan City sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga pagkain at local bands. Layunin ng Kalap-Kulinarya na ipakita ang yaman ng kultura at talento ng lungsod.

Tampok sa unang gabi ang live acoustic band at mga putaheng lokal mula sa iba’t-ibang food stalls. Maraming pamilya at grupo ng kabataan ang dumalo at nag-enjoy sa chill vibes at masayang kapaligiran.

Isinasagawa ang Acoustic Night & Mini Night Market dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko at inaasahan itong magkakaroon ng re-runs simula November 15 hanggang Pasko.