Guo Muling humarap sa pandinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality chaired by Sen Risa Hontiveros ang dismissed mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, nitong Setyemvre 17. 2024. Samantala, itinanggi ni Mayor Liseldo Calugay ng Sual, Pangasinan na pinatawag sa Senado na may kaugnayan siya kay Guo. Mga kuha ni JOSEPH MUEGO

Calugay: Magkaibigan lang kami ni Alice Guo

85 Views

CalugayWALANG namamagitan sa amin at wala kami relasyon o lovers ni Alice Guo.

Ito ang tahasang sinabi ni Sual Pangasinan Mayor Liseldo Calugay ukol sa patutsadang may relasyon sila ni suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Iginiit ni Calugay na magkaibigan lamang sila ni Guo at wala nang iba.

Pinabulaanan din ni Calugay na sila ay business partner o may kakaibang relasyon ni Guo na bagay na pilit pinalulutang ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada.

Inamin ni Calugay na mayroon siyang dating asawa at ito ay annulled na ang kanyang kasal at may bago siyang kinakasama na siya namang in charge sa mga negosyo.

Pinabulaanan din ni Calugay na siya ang may-ari ng Happy Penguine Resort subalit aminado siyang nakapagbenta siya ng mahigit sa apat na libong metro kuwadrado ng kanyang lupain sa tunay na may-ari ng naturang resort na nagnangangalang Veronica.

Aminado si Calugay na kanyang inimbitahan si Guo na sumama sa kanyang thanks gving parade matapos ang halalan noong 2022 at inimbitahna din niya itong dumalo sa kasalang bayan at ito pa nga ay nangyari noong Valentines day dahilan upang bigyan niya ng magandang bulaklak ang alkalde ng Bamban.

Maging ang mga Secretary ni Guo na sina Gee Pepito at Cath Salazar ay pinabulaanang may relasyon sina Guo at Calugay.

Anila sa kanilang nakita isang normal na pagkakaibigan lamang ang nakita nila sa mga ito.

Maging ang executive assistant ni Calugay na si Cheryl Medina ay mariing pinabulaanang na naikuwento niya na mayroong anak at relasyon ang kanyang amo at si Guo.

Bukod dito inamin din ni Calugay na siya ang may-ari ng ilang mga kumpanyang nakakaladkad sa pagdinig ng senado at hindi si Calugay.