Cambodian

Cambodian PM bibisita sa PH

Chona Yu Feb 8, 2025
12 Views

BIBISITA sa bansa sa susunod na linggo si Cambodian Prime Minister Hun Manet.

Ito ay para makipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) sa Pebrerro 11 nakatakda ang pagpupulong ng dalawa.

Layon ng pagpupulong na pahusayin ang ugnayan ng dalawang bansa.

Ayon sa PCO magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider para talakayin an pagpapalakas ng kooperasyon sa paglaban sa mga transnational crime, defense, kalakalan at turismo .

Pag uusapan din nina Marcos at Manet ang tungkol sa kooperasyong panrehiyon at multilateral meeting.

Dagdag pa ng PCO, ito ang kauna-unahang opisyal na pagbisita ni Manet sa Pilipinas at mananatili siya sa bansa mula Pebrero 10 hanggang 11.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 7,000 na mga Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Cambodia.