CAMI

CAMI CLARK Golf Cup matagumpay na naidaos

116 Views

CAMI1MATAGUMPAY na naidaos ng Capampangan in Media Inc. (CAMI), sa kooperasyon ng Clark Development Corporation (CDC) at Quest Plus Hotel and Conference Center Clark, ang 10th CAMI Clark Golf Cup (2024) sa Mimosa Golf Course sa Clark Freeport Zone Philippines noong Abril 19.

Sina Chairman Arsenio “Arni” N. Valdes ng Juan D. Nepomuceno (JDN) Realty at dating Mayor Tito Mendiola (regular players) ang nanguna sa ceremonial tee off para sa aktibidad.

Nagsilbi namang lead sponsors para sa golf tournament ang RASLAG Corporation (platinum), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)-gold at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)-gold. Silver sponsors naman ng 10th CAMI Clark Golf Cup ang Prime Water, MERALCO, BPI, SM Investments Corporation, Mileage Asia (CHERRYLUME), GCASH at Vista Mall. Bronze sponsors naman ang Filinvest, Clark Water, DBP at Chevron.

Nagsilbi namang hole sponsors ang Senior Citizens Party List at LIPAD. Special sponsors naman sina Senator Win Gatchalian, Roger M. Garcia, Hon. Marino Morales at PGen Oscar David Albayalde. Ayon sa CAMI, si Kristian Michael Sade ang tinanghal na Grand Champion sa annual CAMI Clark Golf Cup ngayong taon. Class A Champion naman si Vincent Encarnacion, Class B Champion si Patricia Hizon, Class C Champion si Joan Cruz at runner-up winners sina Jera Sison, Kerwin Ong at Mary Ann Martinez.

Layunin ng CAMI golf event na makalikom ng pondo para sa mga proyekto at programa ng organisasyon na kinabibilangan ng kinakailangang medical at wellness program para sa mga miyembro nito at mga indigents, book publication program at sa regular na media forum (Balitaan Bale Balita) activity.

Ang CAMI ay isang non-profit organization ng mga reputable journalists na nakabase sa Metro Manila at Metro Clark, sa pangunguna nina Nonnie Pelayo bilang Chairman, Mario Garcia, Vice Chairman, Vittorio “Vot” Vitug bilang Pangulo, Mer Layson bilang National Vice President Robert Mananquil bilang Provincial Vice President , Abel Cruz bilang Treasurer at Ric Sapnu bilang Auditor.