Camille sentimental sa pagbabalik-ABS-CBN

Vinia Vivar Feb 22, 2025
15 Views

Nating sentimental si Camille Prats sa muli niyang pagtuntong sa ABS-CBN matapos ang 20 long years.

Nag-guest ang aktres kasama sina Katrina Halili and Shayne Sava sa “It’s Showtime” na kinukunan sa ABS-CBN compound at hindi maiwasang magbalik-tanaw ng dating Kapamilya child star sa network na kanyang kinalakhan.

Nag-post si Camille ng video kung saan ay makikitang naglalakad siya sa corridors ng ABS-CBN at pati ang dressing room niya before ay sinilip niya, gayundin ang studio 4 kung saan siya nagte-taping noong bata pa siya.

“Back in @abscbn after 20 long years. literally a place I call home where so many beautiful memories were made,” caption ni Camille.

Saad niya sa video caption habang naglalakad siya, “Walking the corridors of ABSCBN after 20 years.”

Sey pa niya nang makita ang kanyang dating dressing room, “So many beautiful childhood memories.”

Pagtatapos pa niya, “So nice to be back to the place I used to call ‘home.’”

Sa comment section ay sumagot si Agot Isidro ng, “Naghahabulan tayo dyan nung taping ng Okidokidok hahahaha.”

Sey naman ng isang netizen, “Princess Sarah visiting her former ‘palace.’ Nice to see you again inside ABS-CBN compound even just for few hours. Malaking bahagi ng kabataan naming mga batang 90s ang mga pelikula at shows na ginawa mo noon sa ABS.”

Matatandaang dating child star ng ABS-CBN si Camille at nagbida sa “Sarah… Ang Munting Prinsesa.” Napanood din siya sa “Marinella,” “Home Along da Airport,” “Kaybol” at marami pang iba.