Canvassing Ang mga ballot boxes na tinaggap ng Kamara de Representantes. Kuha ni MAR RODRIGUEZ

Canvassing ng boto para  sa Pangulo, VP sisimulan na

Mar Rodriguez May 23, 2022
253 Views

TINANGGAP ng Kamara de Representantes nitong Lunes ang mga ballot boxes mula sa Senado na naglalaman ng mga Election Returns (ERs) at Certificate of Canvass (COCs) para sa pormal na pagsisimula ng “canvassing of votes” para sa puwesto ng Pangulo at Pangalawang Pangulo kaugnay sa nakalipas na May 9, 2022 national elections.

Ang mga ballot boxes ay dinadala sa Kongreso 4 a.m. at tinanggap ng Secretariat Officials. Ang mga ballot boxes na naglalaman ng mga COCs ay nasa bilang na 167 samantalang 441 naman ang ballot boxes na naglalaman ng ERs.

Dinala ang mga ballot boxes lulan ng pitong Army trucks upang pormal ng umpisahan sa pamamagitan ng “Joint Session” ng Kongreso at Senado ang “canvassing of votes” Mayo 24.

Ang dalawang Kapulungan ang tatayong National Board of Canvassers (NBOC) alinsunod sa mandatong itinatakda ng Saligang Batas para bilangin ang boto ng mga kandidato para sa Pangulo at Pangalawang Pangul kasunod ng pagpo-proklama sa kanila bilang mga nanalong kandidato.

Napagkasunduan naman nina House Speaker Lord Alan Velasco at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na gawin ang proklamasyon para sa nanalong Presidente at Bise-Presidente sa darating na May 27.