Carefree

Car-free, Carefree Sundays sa QC layong gawing healthy mga residente

Cory Martinez Jan 6, 2025
24 Views

TULOY “Car-Free, Carefree Sundays” sa Tomas Morato Avenue sa Quezon City upang mabigyan ng open space ang mga residente at bisita sa kanilang mga recreational activity tuwing Linggo.

Ang naturang programa isinasagawa kada buwan na layuning i-promote ang active mobility at paglalaan ng isang safe at open space para sa mga recreational activity.

Batay sa Ordinance N. SP-3345, S-2024, sarado ang isang bahagi ng Tomas Morato Avenue sa mga motorista upang bigyang daan ang mga pedestrian, jogger at siklista.

Layunin din nito na pangalagaan ang aktibong lifestyle, pagbawas ng vehicular emission at makalikha ng isang malinis at luntiang urban environment.

Sakop ng pagsasara ang mula sa Timog Avenue hanggang sa Don Alejandro Roces Avenue.

Magpapatupad naman ng traffic rerouting sa naturang lugar at pinapayuhan ang mga motorista na bisitahin ang official FB page ng pamahalaang lungsod para sa karagdagang impormasyon sa bagong traffic scheme.

Mayroong dalawang phases ang programa.

Ipapatupad ang Phase 1 kada unang Linggo ng bawat buwan mula alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga.

Matapos ang isang taon, ipapatupad naman ang Phase 2 kada ikalawang Linggo ng bawat buwan.

“Car-Free Sundays reflect our vision of a sustainable, people-first Quezon City. We want to encourage outdoor activities, promote healthy living and support our commitment to environmental sustainability,” sabi ni Mayor Joy Belmonte.