Omega Sina Mark Omega ng Perpetual Help at Jessie Sumoda ng San Sebastian College sa maaksyong NCAA Season 97 men’s basketball tournament sa La Salle Greenhills. Photo by Dennis Abrina

Cardinals lusot sa Heavy Bombers

Theodore Jurado Apr 2, 2022
270 Views

NALUSUTAN ng Mapua ang palabang Jose Rizal University side, 59-56, upang maipuwersa ang three-way tie para sa liderato sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa La Salle Greenhills Gym.

Ang krusyal na tres ni Paolo Hernandez ang siyang nagbigay sa Cardinals ng 57-53 kalamangan sa huling 40.9 segundo.

Kahit na bumuslo si Hernandez ng 3-of-11 sa field, naniwala si coach Randy Alcantara sa kanyang ace shooter.

“Yun naman siya. Titira at titira iyan sa mga crucial part. Yun ang maganda kay Paolo, buo ang loob. Buti nga at nag-connect kasi frustrated na siya,” sabi ni Alcantara matapos samahan ng Mapua ang Letran at San Beda sa unahan sa 3-0.

Samantala, sumandal ang San Sebastian sa kanilang depensa upang maiposte ang 63-58 tagumpay laban sa University of Perpetual Help System Dalta at makapasok sa column.

Nanguna pa rin si Hernandez para sa Cardinals na may 13 points at pitong rebounds habang si Warren Bonifacio ay nagposte ng double-double outing na 12 points at 10 rebounds.

Makaraang bumuslo si Bonifacio ng dalawang free throws para sa tatlong puntos na kalamangan ng kanyang koponan, tinangka ng Bombers na maihatid ang laro sa overtime ngunit sumablay ang tres ni Jason Celis sa huling sandali.

“Nakalusot na naman sa mahirap na game. Pero iyon nga, hindi sumuko ang mga players hanggang sa dulo,” sabi Alcantara.

Makaraang makawala ng 20 points sa unang tatlong quarters, nalimitahan ng Stags si Altas guard Jielo Razon sa dalawang puntos – mula sa foul line – sa huling 10 minuto.

Bumuslo lang si Kim Aurin, na gumawa ng 20 points sa 21-point win ng Perpetual laban sa JRU, ng pitong puntos sa 3-of-11 shooting.

“Yung endgame nila, they will always have the mentality of na we have to play good defense and titignan natin yung offense natin and that’s what’s happened,” sabi ni coach Egay Macaraya makaraang makabawi ang San Sebastian mula sa season-opening 63-65 loss sa Arellano.

Nagtuwang sina JM Calma, Rommel Calahat at Ken Villapando sa 9-0 run ng Stags upang makaluwag sa 63-55 advantage may 33.1 segundo ang nalalabi.

Nagbida si Calahat para sa San Sebastian na may 17 points, walong rebounds at apat na assists bilang reserve.

“Nag-adjust po kami. Kinalimutan namin yung last game (against the Chiefs). Inisip lang namin na mag-bounce back ngayon,” sabi ni Calahat.

Nagdagdag si Calma ng 14 points, siyam na boards at dalawang blocks habang si Ichie Altamirano naman ang isa pang Stag na nasa double digits na may 12 points.

Natalo na ang Bombers, na pinamunuan ni JM Delos Santos na may 11 points at walong boards, ng dalawang sunod. Nahulog ang JRU sa ilalim ng standings kasama ng Emilio Aguinaldo College at Lyceum of the Philippines University.

Iskor:

Unang laro

SSC-R (63) — Calahat 17, Calma 14, Altamirano 12, Villapando 6, Sumoda 5, Una 4, Desoyo 2, Abarquez 2, Are 1, Loristo 0, Re. Gabat 0, Felebrico 0, Cosari 0.
Perpetual (58) — Razon 22, Aurin 7, Abis 7, Barcuma 6, Egan 4, Omega 4, Ferreras 4, Martel 2, Sevilla 2, Nunez 0, Cuevas 0, Pagaran 0.
Quarterscores: 6-8, 23-28, 44-47, 63-58

Ikalawang laro

Mapua (59) — Hernandez 13, Bonifacio 12, Agustin 9, Nocum 8, Lacap 8, Gamboa 4, Sual 3, Pido 2, Mercado 0, Garcia 0, Soriano 0, Asuncion 0.
JRU (56) — Delos Santos 11, Agbong 10, Celis 8, Arenal 8, Dionisio 5, Jungco 4, Bongay 2, Aguilar 2, G. Gonzales 2, Macatangay 0, Guiab 2, C. Gonzales 0.
Quarterscores: 18-11 29-21, 41-38, 59-56.