Shooting

Caretaker ginawang shooting target alagang aso, arestado

Christian Supnad May 29, 2025
28 Views

ABUCAY, Bataan–Arestado ang fishpond caretaker sa bayang ito na ginawang shooting target ang kanyang hinihinalang alagang aso noong Huwebes.

Iniulat ni Major Gerald John Bautista, chief of police, kay Col. Marites Salvadora, hepe ng Bataan police, ang pagkakadakip sa 67-anyos na suspek sa Brgy. Calaylayan.

Hindi binanggit sa ulat kung tinamaan ng suspek ang kanyang aso.

Ayon kay Major Bautista, dakong alas-10:20 ng umaga ng may mag-report tungkol sa pamamaril ng suspek sa kanyang aso.

Narecover sa suspek ang ginamit niya sa pamamaril na caliber .45 pistol, isang bala, 10 rounds ng ammunition at tatlong cartridge cases.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), alarm and scandal at Violation of the Omnibus Election Code (gun ban).