Incognito

Cast ng ‘Incognito’, ‘one for all, all for one’

57 Views

Sa rami ng naranasang hirap sa taping ng cast ng seryeng “Incognito” ay inamin nilang mahirap na silang paghiwalayin dahil ‘one for all, all for one’ na sila sa isa’t isa.

Sabi nga ni Richard Gutierrez, “Talagang it was challenging for everyone and we were tested everyday and we were able to do it as a group as a unit and, you know, after that, parang you can take us anywhere.”

Ayon naman kay Daniel Padilla, “Iba na ‘yung samahan naming lahat. Kahit saan kami dalhin basta magkakasama kaming lahat, okay kami. At talagang nagtutulungan. Totoo ‘yon, on and off sa set. Hindi rin siya madali, eh. Papunta sa set, pauwi, pagod ka na. So kami ‘yung nagbibigay ng lakas ng loob sa isat-isa. Sa mga eksena namin na hindi madali, kami rin talaga ang nagtutulungan.”

Challenging naman talaga dahil nagsimula sila sa Palawan, tumawid ng Baguio at Benguet, tapos lumipad ng Italy at ngayon ay may Japan pa na hindi nila sinukuan ang lamig.

Kaya nagkakabiruan na sana ay may season 2 ang “Incognito.” Pabor dito ang lahat ng dumalo sa mid-season mediacon dahil maganda ang istorya at maganda rin ang mga lugar na nakikita sa series, hindi nakakasawa.

Sa pitong bida nito ay walang itulak-kabigin. May kanya-kanya silang strength kaya hindi puwedeng wala ang isa. Ito nga ang ipinagmaktol noon ng karakter ni Anthony Jennings nang tanggalin si Daniel ni Contractor (played by Ian Veneracion) dahil na-compromise ang grupo.

Pero siyempre, hindi naman ito tinanggal dahil sa sunod nilang contract ay kasama pa rin si DJ kaya ang saya-saya ni Anthony gayundin sina Maris Racal, Kaila Estrada, Baron Geisler, Richard at Ian.

Duda ng manonood, sa sobrang concerned nina Daniel at Anthony sa isa’t isa, hindi kaya magkapatid sila sa istorya?

Tinanong namin ito sa creative consultant na si Jay Fernando, pero hindi niya ito sinagot. Bagkus, mas maganda raw abangan ang mga susunod na episode dahil mas marami pang lihim na mabubunyag.

Napapanood ang “Incognito” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC at Kapamilya Online Live (KOL) sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Meron ding advance episodes sa Netflix at iWantTFC.

SINING PINOY ITINATAGUYOD

Isa ang PlayTime sa mga nag-sponsor ng katatapos na 38th PMPC Star Awards for TV.

Bilang isang tagapagtaguyod ng sining sa Philippine media ay ipinagpapatuloy ng PlayTime ang pakikipagtulungan sa PMPC para sa 2025 Star Awards na ginanap sa Dolphy Theater noong Marso 23.

Pinarangalan ng PlayTime ang bigwigs ng industriya ng telebisyon sa mga sumusunod na kategorya: Pinakamahusay na Primetime TV Series – “Batang Quiapo” (A2Z, TV5); Pinakamahusay na Programa sa Balita – “Agenda” (Bilyonaryo News Channel); Pinakamahusay na Male TV Host – Vic Sotto (Eat Bulaga/TV5/RPTV); Hall of Fame Award – “I-Witness” (GMA 7); Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award – Julius Babao; Best Comedy Actor — Roderick Paulate para sa “Da Pers Family” (TV5); at Best Comedy Actress — Maricel Soriano para sa “3 in 1” (Net 25).

“Ang PlayTime ay tungkol sa entertainment at ang aming misyon ay baguhin ang landscape maging ito man ang mga larong kinagigiliwan ng ating mga subscriber o ang mga palabas na nagpapabago sa sining ng media sa Pilipinas. Gusto naming ipagdiwang at iangat ang talento, pagkamalikhain at sining ng mga Pilipino,” saad ni Krizia Cortez, public relations director ng PlayTime. REGGEE BONOAN