DepEd

Catch-up day ng DepEd sisimulan sa Enero 12

181 Views

MAGSISIMULA na sa Enero 12 ang “catch-up” day ng Department of Education (DepEd) upang matulungan ang mga estudyante na magbasa at umintindi sa kanilang binabasa.

Ayon sa DepEd, lahat ng Biyernes ay gagawing “catch-up” day sa lahat ng pampublikong elementarya at high school na naglalayong pataasin ang academic performance ng mga estudyante sa ilalim ng K to 12 program.

Ang lahat naman ng Biyernes ng Enero 2024 ay ilalaan sa “Drop Everything and Read” (DEAR) activity at orientation ng mga field officials.

Ang DEAR ay isa sa mga reading strategy ng ahensya upang mabigyan ng panahon ang mga estudyante na magbasa ng mag-isa at matahimik.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang DepEd na pataasin ang performance ng bansa sa Programme for International Student Assessment (PISA).