Catriona

Catriona na-trauma sa Basag Kote Gang sa London

Vinia Vivar Aug 31, 2024
47 Views

Na-trauma si Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos manakawan habang nasa London kasama ang mga magulang.

Sa kanyang Instagram story, ayon sa beauty queen ay papunta na sila sa airport with her parents nang mag-stop over lang sila sandali para mag-lunch.

Dito na nga nasalisihan ng magnanakaw ang kanilang sasakyan.

Makikita sa larawang ipinost ni Catriona ang basag na salamin ng likuran ng kotse.

“Robbed in the middle of London, whilst stopping for lunch on the way to the airport. Our passports and belongings – gone,” saad ng beauty queen.

“Traumatized,” aniya pa.

Makikita nga sa mga recent Instagram posts ni Catriona ang pagbabakasyon nila ng magulang sa United Kingdom at Scotland.

Mukhang pabalik na nga sila ng Pilipinas nang mangyari ang nakawan.