Cayetano

Cayetano, Binay nagpalitan ng maanghang na salita dahil sa pondo sa Senate building

130 Views

BinayNAGMISTULANG banggaan ng mga higante ang pagdinig ng Senate Committee on Accounts sa pamumuno ni Sen. Alan Peter Cayetano Miyerkules ng hapon matapos humarap sa nasabing pagdinig si Senator Nancy Binay kaugnay ng kontrobersiyal na Senate New Building na itinatayo sa siyudad ng Taguig.

Nagpalitan ng matinding patutsada sina Cayetano at Binay kung saan ay nauwi ito sa mainitan na pagtatalo dahil na rin sa umano’y presyo nito na lomobo at matagal na pagkabinbin na nagdulot ng patong patong na paglaki ng presyo mula P8.3B na diumanoy pumapalo na sa P23B sa kasalukuyan na pinabulaanan naman ng senadora mula sa Makati.

Sinabi ni Cayetano na pumunta lamang aniya si Binay sa kanyang pagdinig upang manggulo sa gitna ng kanyang pagdinig.

“Nanggugulo ka ngayon sa hearing?,” ani Cayetano kay Binay kung saan ay sinabi rin niyang pwede naman magbigay ng kanyang paliwanag ang senadora sa pamamagitan ng mga dokumentong nasa kanyang pangangalaga bilang paglilinaw.

Ani Cayetano, 15 buwan nasa ilalim ng kumpas ni Binay ang lahat ng galawan ngunit hindi nito umano inatupag na tapusin ang NSB kung bakit lomobo ng husto ang gastusin.

“Labing limang buwan na sa mesa mong nakabinbin yan pero wala kang ginawa. Tapos ngayon nandito ka para guluhin mo hearing ko. Kung gusto mo ng debate, duon tayo sa labas kasi kinakain mo ang oras ng hearing ko,” ani Cayetano kay Binay.

Ipinaliwanag ni Binay na kung babasehan ang tradisyon sa Senado ay otomatikong miyembro siya ng komite ni Cayetano ngunit nagtataka siya kung bakit wala ang kanyang pangalan sa komite nito. Gayunman, humarap aniya siya matapos marinig mismo kay Cayetano na lahat ng senadora, miyembro at hindi miyembro ay welcome upang dumalo.

Ayon sa senadora, ang budgetary cost estimate ay iba sa actual cost estimation na pilit nililito ni Cayetano at umanoy nagpapahiwatig ng malisya kung kayat nais niyang makasagot at makapag paliwanag kaharap ang DPWH.

“Pag nagpapagawa ka ng bagay hindi siyempre kasama ang ref at television. At hindi ko ginugulo ang hearing mo. Sa computation ng DPWH hindi ganyan. Iba ang P21B sa P23B,” giit ni Binay.

Isinumbat ni Cayetano na si Binay ang siyang mahilig umanong mag-Maritess sa mga reporter ng mga maling pahayag at ito aniya ay ginagawa ng senadora sa ibat ibang interbyu niya sa radyo at mga media outlet na hayagang pagdiriiin sa kaniya.

“Pare pareho ang question sayo. Naka sampung interview ka. Ang dami mo ng inimbento sa media. Lahat sila pare-pareho ang questions at pati sagot mo naka ready na. Coincidence ba yun. Bakit sinasabi mo may sumasaksak sayo? May naninira sayo. Bakit Hindi mo kasuhan kung sinasaksak ka? Tapos ngayon dine deny mo na ako ang tinutukoy mo, pero sinabi mo extension ito ng Makati and Taguig rift,” giit ni Cayetano.

Bumawi agad si Binay sa pagsabing: “Bakit guilty ka? Sinasabi ko ba na Alan Peter Cayetano? Baka gawain mo yan. Hindi ko ginagawa ang ganyan sa media. At hindi po ako nangugulo. ”

Hindi pa natatapos si Binay ay sumagot agad si Cayetano kung saan ay hinamon nito ang senadora na tigilan ang pag-iikot at mag presenta na lamang ito base sa dokumento.

“Kung mali ang figure ko, bakit hindi mo sabihin ngayon. Mali ang pakinig mo. Ang problema sayo you are going around tapos sinasabi mo gusto mong makausap si Alan, gusto mong makausap si Chiz. Nagkita tayo sa party, hindi mo naman kami kinakausap,” giit ni Cayetano.

Hindi naman ito pinalagpas ni Binay sa pagsabing sila ang naunang nagpahayag ng maling datus sa media kung saan ay pinalobo ng kampo umano nina Cayetano at Senate President Chiz Escudero ang numero na ibang iba sa katotohanan.

“Ang sabi ni Sen Escudero so far ang total cost ng pagpapatayo ng bagong building ay nasa P23B na. Anong isyu? Ang staff mo ang nag submit? How can you argue?” Cayetano asked.

Hindi ko trabaho na mag quantify. Hindi ka marunong magbasa. Papano naging P23B ang P21B . Hindi ka marunong magbasa. May mga component dyan na hindi bahagi ng pagko construct ng new senate building.” tanong ni Binay.

Binalikan naman ng sisi ni Cayetano si Binay na umanoy nagpa abot ng 15 buwan at mayroon pang P600 M na binubuo na budget para lamang sa landscaping nito.

“Paano ka matatapos kung isang taun na nasa mesa mo tapos hindi ka pa natatapos. Labing limang buwan na nasa mesa mo. Gaano katagal bang rebyuhin ang P600M na landscaping? Estimate yan na pinapipirmahan sakin na galeng sayo. Labing limang buwan mong hindi hinimay,” giit ni Cayetano.

“Ang trabaho ko ay mag review. Nililito mo ang tao. Lourdes ang pangalan mo at hindi Maritess,” pa insultong pahayag ni Cayetano laban kay Binay kung saan ay sumagot naman ang senadora na hindi umano marunong bumasa si Cayetano dahil magkaibang magkaiba ang P21B sa P23 B.

Ipinaliwanag din ni Binay na napilitan siyang magsalita dahil sa mga parinig at pahimig na may nangyayaring hindi tama sa pagpapagawa ng senado dahil sa paglobo ng presyo nito.

“Hindi po ako press con ng press con. Kasi mali mali din naman ang mga sinasabi mo sa interview mo na figure di ba? kaya nga ako sumagot dahil ikaw unang nagsalita sa mga interviews mo.” pagtatanggol ni Binay sa kaniyang sarili.

“Bakit galit na galit ka na ni re review ko yung figure na yan? P23B ang amount na binigay sakin ng staff mo mismo. All in all pag bumibili ka ng bahay pati taxes isasama mo,” paglinaw ni Cayetano kung saan ay ipinunto nito na lahatan dapat ang bilang.

Inamin ni Binay na gusto niyang makasagot upang maipakita ang totoong pangyayari dahilsa maling numero aniyang pilit na iginigiit ni Cayetano at ni Escudero sa mga nauna nitong pahayag sa kanilang mga panayam sa media.

Agad na nagtanong ng harapan si Binay sa Dept. of Public Works and Highways kung saan ay sinabi nito na kung maaring kumpirmahin ng ahensiya base sa dokumento ang aktuwal na numero at kung totoong sumampa ito sa P23B gaya ng unang napabalita.

“Nag e exist ba ang P23B na amount sa inyong dokumento Usec?” tanong ni Binay.

Maagap naman tumugon ang taga DPWH sa pagsabing, “There is none, Mr. Chair.”

Feeling vindicated, Sen. Binay walked out of the hearing while Cayetano said, “Nabuwang ka na Day. Senado ng Pilipinas at hindi palengke”

Gayunman, tumayo na si Binay at nagpasalamat ng matindi sa DPWH sabay talikod kay Cayetano at derechong nag walk out sa naturang hearing nang walang pasubali.

“Hindi dapat ganito sa Senado. Ang gusto lang ng Senate President ay mag submit kayo ng inyong report hangang June 30 dahil trabaho namin na mag review dahil we all want to see the building completed. No short cuts.” ani Cayetano.