Calendar
Cayetano positibo sa COVID-19, Chiz nasa isolation
NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Sen. Alan Peter Cayetano, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.
Sa sesyon ng plenaryo ngayong Miyerkoles, sinabi ni Sen. Pia Cayetano na nagpahayag ng suporta ang kanyang kapatid na si Sen. Alan Peter sa kanyang privilege speech kaugnay ng kanyang panukala na iwasan na ng Senado ang paggamit ng mga PET bottles at papel sa operasyon nito.
Matapos ang manipestasyon ni Sen. Pia ay sinabi ni Zubiri na si Sen. Alan Peter ay nagpositibo sa COVID-19.
“Please let him know we’re praying for his quick recovery. I heard that he was positive. That is better that we put it on record. Less people will ask where he is,” sabi ni Zubiri.
Si Senator Francis Escudero naman ay naka-isolate matapos na ma-expose sa taong nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Escudero wala siyang sintomas at nais lamang na maging responsible para hindi makapanghawa sakaling siya ay positibo.
Magpapa-test umano si Esciudero makalipas ang dalawang araw.
Ipinag-utos naman ni Zubiri na ang lahat ng bisita ng Senado ay dapat na magpakita ng negatibong antigen result bago makapasok simula sa Agosto 8.