chooks to go

Cebu Chooks biyaheng HK

Robert Andaya Nov 26, 2022
410 Views

STA.ROSA, Laguna — Makakalaro ang Cebu Chooks sa FIBA 3×3 World Tour Hong Kong Masters.

Naungusan ng Cebu Chooks — ang pangunahing 3×3 team sa bansa — ang karibal na Manila Chooks, 20-18, sa isang kapanapanabik na labanan upang masungkit ang korona sa 2022 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Quest 2.0 sa the Ayala Malls Solenad kamakailan.

Umiskor si Mac Tallo ng siyam na puntos, habang nagdagdag si Mike Harry Nzeusseu ng pitong puntos upang pangunahan ang Cebu Chooks sa panalo laban sa Manila at sa top prize na P100,000 sa nasabing Level-7 FIBA 3×3 event.

Higit dito, nakuha ng Cebu Chooks ang karapatan na katawanin ang Pilipinas sa FIBA 3X3 World Tour Hong Kong Masters sa Nov. 26-27.

Makakasama ng Cebu Chooks ang Serbia’s Ub at Liman; Belgium’s Antwerp; Latvia’s Riga; Netherlands’ Amsterdam; Austria’s Vienna; Lithuania’s Šakiai Gulbele; Mongolia’s Ulaanbaatar MMC Energy; China’s Beijing; Chinese-Taipei’s Kaohsiung; Indonesia’s Yogyakarta Gojek; at apat na Hong Kong teams sa kumpetisyon na magsisilbing last stop para sa Abu Dhabi Finals.

Kailangan ng Cebu na manalo dito para umabante sa Abu Dhabi.

“Yung no .1 na title, pwedeng makuha ng kahit sino. Pero yung championship mahirap makuha,” pahayag ni Tallo, ang no.1 3×3 player ng bansa.

“I’m happy that we redeemed ourselves from our disappointing losses back in the Riyadh Masters,” dagdag pa ni Tallo.

Nag- ambag naman sina Brandon Ramirez at Marcus Hammonds ng tatlo at isang puntos Si Dennis Santos ng Manila ay may 10 puntos.
Ang Manila Chooks ay nakapag-uwi ng P30,000.
Ang PBA legend at Chooks-to-Go endorser Benjie Paras ang nag-abot ng mga cash prizes.

The scores:

Finals

Cebu 20 – Tallo 9, Nzesseu 7, Ramirez 3, Hammonds 1.

Manila 18 – Santos 10, Iloka 4, Ando 3, Lorenzana 1.

Semifinals 1

Cebu 21 – Tallo 15, Hammonds 4, Nzeusseu 1, Ramirez 1.

Talisay 6 – Roncal 5, Akomo 1, Desiderio 0, Napao 0.

Semifinals 2

Manila 21 – Iloka 16, Lorenzana 2, Santos 2, Ando 1.

Butuan 15 – Cauilan 6, Octobre 5, Strait 2, Arafat 2.

Pool A Game 5

Butuan 16 – Arafat 5, Cauilan 5, Octobre 4. Strait 2.

Makati 11 – Diokno 7, Sario 2, Pableo 1, Morales 1.

Pool B Game 5

Talisay 17 – Napao 5, Roncal 5, Desiderio 4, Akomo 3.

Quezon City 12 – Laminou 6, Fuentes 5, Delfinado 1, Rosales 0.

Pool A Game 6

Cebu 21 – Hammonds 9, Tallo 5, Nzeusseu 4, Ramirez 3.

Botolan 18 – Anderson 7, Gozum 5, Ndong 4, Kapunan 2.

Pool B Game 6

Manila 21 – Iloka 9, Santos 8, Ando 3, Lorenzana 1.

Gen San 10 – Talan 5, Catipay 3 Deles 1, Mendoza 1.