universal tennis rating

Cebuana Lhuillier pasisiglahin ang tennis

Ed Andaya Apr 6, 2022
383 Views

PASISIGLAHIN ng Cebuana Lhuillier ang buong tennis community ngayong summer.

May kabuuang 14 junior age-group tennis tournaments ang.gaganapin sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula ng first leg ngayong April 6-10 sa Santa Rosa Complex sa Sta. Rosa City, Laguna.

Ang naturang kumpetisyon ay tatawaging Cebuana Lhuillier Tennis Tour, bilang bahagi na din ng mas malaking programa sa tennis, na kung saan kalahok din ang mgavprofessionals at legends.

Ipaparada din sa nasabing Cebuana Lhuillier Tennis Tour ang tournament platform ng Universal Tennis, ang kumpanya sa likod ng matagumpay Universal Tennis Rating (UTR), isang global rating system na nagtataguyod ng fair at competitive play sa tennis world.

“I am elated that we are now able to hold tennis tournaments once again, which is a core part of our program to support the establishment of grassroots tennis development in the country” pahayag ni Jean Henri Lhuillier, Cebuana Lhuillier president and CEO.

“Rest assured that we remain committed to hone local talents and discover promising young players that, when given the right training and exposure, can represent our country to the international stage,” fsgdsg pa ni Lhuillier.

Matapos ang first leg sa Laguna, tutungo din ang pinakaaabangang kumpetisyon sa mgs piling lugar sa bansa, gaya ng Negros Oriental, Bulacan, Leyte, Bohol, Zamboanga, La Union, Metro Manila, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Iloilo, Negros Occidental at Cebu City.

Ang Cebuana Lhuillier Tennis Tour ay nasa pangangasiwa din ng Unified Tennis Philippines (UTP).

Tanging ang mga fully-vaccinated na manlalaro ang papayagan makalalahok at ipatutupad ang mahigpit na health and safety protocols sa kapakanan ng lahat.

Sa iba pang mga katanungan ukol sa Cebuana Tennis Tour, maaaring makipag-ugnayan sa UTP social media page.