Ed Andaya

Celtics, Lakers astig pa din sa NBA

Ed Andaya Apr 5, 2024
200 Views

SA NBA naman, nakatitiyak na ang Boston Celtics na papasok sa nalalapit na playoffs na hawak ang best win-loss record, habang patuloy pa din ang pakikibaka ng Los Angeles Lakers para sa ika-siyam na pwesto at play-in spot.

Bagamat na itinuturing na winningest teams sa NBA, ang Celtics na pinangungunahan ng “Big Three” nina Jason Tatum, Jaylen Brown at Kristaps Porzingis, at Lakers, na pinamumunuan nina LeBron James at Anthony Davis, ay dumadaan ngayon sa magka-ibang landas sa inaasam na kampeonato.

Ang Celtics ay No. 1 sa Eastern Conference na may 60-16 win-loss record, kabilang na ang 33-3 kartada sa kanilang home court.

Sa kasalukuyan, lamang ang Celtics ng 13 games sa pumapangalawang Milwaukee Bucks ni MVP-candidate Giannis “Greek Freak” Antetokounmpo.

Sa West, na kung saan nag runner-up ang LA sa defending champion Denver Nuggets nung nakalipas na taon, kasalukuyang nasa ika-siyam na pwesto ang Lakers na may 44-33 record.

Bago nito, nanalo ng walo sa kanilang huling 10 laro ang Lakers — kabilang ang nakabibilib na 5-1 record sa nakalipas road trip — upang muling magpakitang gilas sa mga masugid na NBA fans.

Kung papalarin, maaaring umakyat pa sa overall standings ang Lakers, depende sa magiging resulta ng mga laro ng No. 8 Sacramento Kings (44-32), No. 7 New Orleans Pelicans ( 45-31), No. 6 Phoenix Suns (45-31) at No. 5 Dallas Mavericks (46-30) sa huling mga araw ng elimination.

Sa ngayon, half game na lamang ang lamang ng Kings sa Lakers sa No. 8 spot.

Nasa pang No. 10 naman ang Golden State Warriors (42-34), na siyang nakatakdang maka enkuwentro ng Lakers sa play-in kung hindi na mababago pa ang kasalukuyang team standings.

Sa East, pukpukan naman ang labanan ng Indiana Pacers (43-34), Miami Heat (42-34) at Philadelphia 76ers (42-35) para sa No. 6, No. 7 at No. 8 slots.

Kaagad aabante sa playoff sinuman sa tatlong teams ang mag No. 6 at magtutuos naman para sa No. 7 seat ang dalawang malalaglag na teams.

Sa play-in na kung saan kailangan manalo ng dalawang laro, sigurado na ang Chicago Bulls (36-40) at Atlanta Hawks (36-41).

Bukod sa Boston, pasok na din ang Milwaukee Bucks (47-29), Cleveland Cavaliers, (46-31), Orlando Magic (45-31) at New York Knicks (46531).

Nangunguna naman sa West ang Minnessota Timberwolves (53-23), Denver Nuggets (53-24), Oklahoma Thunder (52-24) at LA Clippers (48-28).

Sino ang mga maghaharap sa first round ng playoffs?

Abangan.

* * *

Magsisilbing punong abala ang Calasiao, Pangasinan sa gagawing pagbubukas ng sixth season ng MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) ngayong Sabado, April 6.

Venue ng kumpetisyon ang Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

Makakasama ni MPBL founder Manny Pacquiao sa opening ceremony sina Gov. Ramon Guico, Alaminos City Mayor Arth Bryan Celeste at dating Bayambang Mayor Cezar Quiambao.

Sasabak sa kumpetisyon ang Zamboanga Family’s Brand Sardines laban sa Valenzuela simula 6 p.m., at newcomers Abra at Pangasinan simula 8 p.m.

Sa April 8, magsisimula ang regular MPBL tripleheader sa Kamalig Coliseum sa Orion, Bataan na kung saan magtutuos ang Bicol at Mindoro sa 4 p.m., Marikina at Negros sa 6 p.m. at Sarangani at Bataan sa 8 p.m.

Ayon kay MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, may 30 teams ang kalahok ngayon.

Ang mga teams ay ang:

North — Pampanga, Nueva Ecija,San Juan, Caloocan, Marikina, Bataan, Tarlac, Manila, Valenzuela, Quezon City, Pangasinan, Abra, Bulacan, Rizal at Pasay.
South– Batangas, South Cotabato (GenSan), Zamboanga, Quezon Province, Muntinlupa Iloilo, Sarangani, Negros, Mindoro, Binan (Laguna), Bicol, Bacolod, Imus, Paranaque at Davao Occidental.

NOTES — Happy birthday to my son, John Michael M. Andaya, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong April 6….

Happy birthday din kina Antoinette Cruz (April 4) at Jojo Lagak (April 4) ng ERJHS Batch 81, Carmelita “Twinkle” Valdez ng PAGCOR (April 5) at Melnie Jimena ng People’s Tonight (April 5), Greg Rellorosa ng Malabon Chess Club (April 6) at Ramon Ypil ng National Police Commission (April 8).

Para sa mga komento at suhestiyon, mag email sa [email protected]