Cervantes Pakitang gilas si Reil Cervantes ng Caloocan kontra Bacolod.

Cervantes, Espinas sanib pwersa para sa Caloocan

Robert Andaya May 1, 2024
141 Views

HINDI na muling padadaig ang Caloocan.

Sa tulong nina Reil Cervantes at Gabby Espinas at homegrown hero Alejandro Inigo, pinayuko ng Caloocan ang Bacolod, 80-73, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Sixth Season sa San Andres Sports Complex sa Manila.

Matapos ang nakapang-lulumong 66-69 kabiguan sa kamay ng Manila sa kanilang debut nung April 23, mainit na naglaro ang mga Batang Kankaloo ni coach Alex Angeles sa pamumuno nina Cervantes, Espinas at Inigo upang maitakas ang una nitong panalo .

Si Cervantes ay nagtala ng 14 points sa 5-of-7 shooting at five rebounds sa 16 minutes na laro, habang si Espinas ay nagdagdag ng 10 points.

Nag-ambag naman si Joco Tayongtong ng nine points, kasunod sina Inigo at Irven Palencia na may tig seven points at Joel Yu, Paul Sanga, at Ronnie Matias na may tig six points.

Si Danny Marilao ay may double-double naman na 13 points at 10 rebounds sa 24 minutes na laro para sa City of Smiles ni coach Alex Cabagnot.

Nakatulong niya sina LA Casinilio, na may 12 points ay four assists at JJ Española at Tricky Dyn Peromingan, na may tig 11 points.

Maagang na-domina ng Batang Kankaloo ang laro, na kung saan nagtala pa sila ng malaking kalamangan na 23 points, 64-41 sa third quarter.

Subalit humabol ang Bacolod sa tulong ng 31-point fourth-quarter explosion. na pinangunahan ni Espanola upang lumapit sa iskor na 62-71, na may natitirang 2:56sa laro.

Idinikit pa ni Española ang iskor sa seven points, bago nagpakawala si Tayongtong ng isang three-pointer upang muling ilayo ang agway ngdalawang teams, na may 2:03nalalabi..

Umabot muli ang lamang sa 12 points, 76-64, matapos ang panibagong two-pointer ni Tayongtong sa huling 1:26 ng sagupaan.

Dahil sa pinakabagong talo, bumagsak ang Bacolod sa 1-4 record sa round-robin elimination phase ng 29-team tournament na itinatag ni MPBL founder Sen. Manny Pacquiao..

The scores:

Caloocan (80) — Cervantes 14, Espinas 10, Tayongtong 9, Inigo 7, Palencia 7, Matias 6, Sanga 6, Lee Yu 6, Lasco 4, Casin 4, Calahat 3, Manalang 2, Sumoda 2, Bonsubre 0, Valin 0.
Bacolod (73) — Marilao 13, Casinillio 12, Espanola 11, Peromingan 11, Calicia 8, Galit 6, Pastias 5, Ramos 4, Sabellina 3, Solomon 0, Salcedo 0, Sedillo 0, Canal 0, Manalang 0, Partosa 0.
Quarterscores: 26-14, 44-28, 64-42, 80-73.