Adiong House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong

Chairman Adiong kinilala pamumuno ni Speaker Romualdez: ‘100% delivery’ ng agenda ni PBBM, tagapagtaguyod ng rehabilitasyon ng Marawi

44 Views

PINURI ni House ad hoc committee on Marawi rehabilitation and victims compensation chairman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez dahil sa kanyang matatag at inklusibong pamumuno, na aniya’y naging susi upang maipasa ang lahat ng panukalang batas na prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa suporta nito sa rehabilitasyon ng Marawi City.

“There’s no reason for me to look around and shop for a possible replacement of the Speaker. There’s no—completely no—reason for me to do that. That’s why I would maintain my support to the current leadership of the House, which is in this case Speaker Martin Romualdez,” ayon kay Adiong na House Assistant Majority Leader, sa panayam sa radyo dzBB nitong Linggo.

Ibinunyag naman ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng Quezon na karamihan sa mga miyembro ng Liberal Party (LP) ay opisyal nang sumanib sa lumalawak na supermajority coalition sa House of Representatives na sumusuporta sa patuloy na pamumuno ni Speaker Romualdez sa ika-20 Kongreso—na sa kabuuang bilang ay umaabot na sa 278 mula sa 285 na miyembro ng Kamara ay lumagda ng suporta.

Sa kabuuan ay aabot sa 317 ang bilang ng mga miyembro ng Kamara de Representantes sa darating na ika-20 Kongreso.

Binigyang-diin ni Adiong na nakuha ni Speaker Romualdez, presidente rin ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ang tiwala ng Kamara sa pamamagitan ng kanyang mahusay na pamumuno at magandang performance.

“Alam mo, hindi talaga maiiwasan ‘yan sa bawat organization. ‘Pag nag-uumpisa na naman, meron talagang mga haka-haka. And the House of Representatives being composed of several individuals—300 plus—it’s an organization that is not completely free from that kind of tsismis. Ako personally, wala namang nag-approach sa akin,” saad ni Adiong, na kapwa miyembro ng Lakas-CMD.

“So ako, kasama ako doon sa pumirma talaga ng manifesto of support—pumirma kami para siya pa rin ang manatiling lider ng Kamara, maging Speaker in the 20th Congress,” dagdag pa ng mambabatas mula sa Mindanao.

Ipinaliwanag ni Adiong na ang kanyang suporta ay hindi lamang dahil sa pagiging kaalyado sa partido, kundi dahil sa epektibong pamumuno ni Speaker Romualdez.

“I signed the manifesto of support not because simply of my affiliation to Lakas-CMD. I’ve seen how he worked. In fact, I’m proud to say that 100 percent na-deliver ng House of Representatives ‘yung LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory Council) priorities ng administration,” ani Adiong.

“One hundred percent ‘yung lahat ng required legislation para sa pagsulong ng ating bansa according to the priorities of this administration—ekonomiya, social, may social impact—have already been approved by the House of Representatives under the stewardship of Speaker Martin Romualdez,” giit pa ng kongresista.

Binanggit din ni Adiong ang natatanging pagtutok ni Speaker Romualdez sa rehabilitasyon ng Marawi City, na nawasak noong 2017 sa giyerang tinawag na Marawi siege.

“Kauna-unahang Speaker na binigyan talaga niya ng attention ang rehabilitation sa Marawi. That is, to me, very personal,” ayon pa kay Adiong.

Paliwanag pa ni Adiong, “He created ‘yung ad hoc committee on Marawi rehabilitation so that there would be a focused group or a specific attention that would be given specifically for the rehabilitation and rebuilding of Marawi City, including the amount of compensation that are rightfully to be given to the victims. Nalagyan ‘yan ng ganoong klaseng focus.”

Nang tanungin ukol sa kahalagahan ng “continuity” o pagpapatuloy ng mga naumpisahang programa, sinabi ni Adiong na bagama’t ito ay mahalaga ay madalas nawawala ito sa gobyerno.

“Alam mo, isa, maganda ‘yung ginamit mo na word—continuity. Actually, iyan ang minsan ang kulang sa atin. Kung nanaisin mo, ‘yung gumamit din ng kapareha ng word na ginamit mo, which is sustainability,” saad pa ng mambabatas.

Dagdag pa ni Adiong: “That’s why kailangan mo talaga ng continuity of service. You also have to make sure that the program is sustainable. You apply that same logic to legislation.”

Binanggit niya ang mga bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Marcos—gaya ng modernisasyon ng PHIVOLCS at mga amyenda sa Procurement Law—bilang bahagi ng mahusay na performance ng Kamara sa paggawa ng batas.

Tinukoy rin ni Adiong ang malapit na ugnayan ni Speaker Romualdez sa mga miyembro ng Kamara bilang mahalagang aspeto ng epektibong pamumuno.

“‘Di ka rin magiging leader ng House kung hindi mo hawak at maganda ‘yung rapport mo sa mga kasama… Even ordinary congressmen, you go around and ask them kung paano pakikitungo niya.

‘Pag umakyat ka sa kanya, talagang open ang kanyang office na kung meron kang mga problema or concerns sa iyong distrito, talagang papakinggan ka niya,” ayon sa solon.

Pinuri rin ni Adiong si Speaker Romualdez sa pagiging makatao sa proseso ng paggawa ng batas.

“I think the Speaker has humanized how we discuss legislation. Every time that we were having meetings insofar as how we present or how we touch a certain legislation by exercising our oversight function, he always reminds us that you always look at how the people would benefit from your proposal,” ayon pa kay Adiong.

“Legislation should be relatable to ordinary people—‘yun ang kanyang motto. And that’s how I work with the Speaker. That’s how I appreciate ‘yung kanyang commitment to each and every individual member of the House, and his commitment to the overall collective desire and aspiration of this country to move forward,” dagdag pa niya.